Personal Assistant in Disguise
Cindy's Pov
Hinila ako nito ni Tracy papalayo eh inaaway ko pa nga yung mga nambubully sa kanya eh.
" Bakit mo naman ako hinila agad papalayo?" singhal ko.
" Wag ka na kasing mag eskandalo dun. Wag mo nang patulan yung mga mangkukulam na yon."
" Bakit natatakot ka? HAHAHAHA yung kilala kong Tracy dati bitch yun. "
" Gago wag mo nang ungkatin."
Si Tracy Dominguez hindi si Tracy Alcantara ah. Yung dating Tracy na hindi nerd bitch yan dati. Mahilig din yang manlait ng kung sino-sino ipinapahiya niya kung sino yung gusto niyang ipahiya. Pero ngayon I guess nagbago na siya kasi alam niya na yung sitwasyon. Alam niya na yung feeling ng binubully.
I know naman na nagdidisguise lang si Tracy. She hate plastic people kasi dun siya naiinis. Kakaibiganin lang siya ng ibang tao dahil sa kasikatan at kayamanan nila.
Hindi ako ganun 5 years na kaming magbestfriend and 2 years na siyang nagdidisguise.
Ewan ko na lang sa kanya kung kailan niya titigilang magdisguise.
" Oyy nakatulala ka na dyan!" Tracy.
" Sorry naman may iniisip lang."
" Nako Cindy dont meh!"
Nagulat ako kasi habang nag-uusap kami ni Tracy eh nasa harapan namin yung 3 heartrob ng campus si Drin, Paul at Renz.
Sheems si Drin 😍😍😍😍 He's my ultimate crush.
" Hoy nerd baka nakakalimutan mong PA kita. Bilhan mo kami ng pagkain." Renz.
Luh gago pala toh. Kung makautos sa bestfriend ko wagas.
" Pakyu ka talaga Renz. Arggggh." Tracy.
Tumayo si Paul.
" Sasamahan na kita Tracy." Paul.
Emeged kinikilig akooo ah.
" Pabayaan mo na siya Paul siya lang inutusan ko. Hindi ikaw!"
" No! Sasamahan ko siya!" at hinila na ni Paul si Tracy.
Nakita ko naman na parang nainis si Renz. Oh i smell something chuchu hahahaha.
Nag-uusap sila Drin at Renz nang may dumating bigla na babaeng maputi pero mas lamang pa rin ang ganda ko noh.
Niyakap niya si Drin and Drin kissed her on her lips. Ouch 💔💔💘
" Lex baby what brings you here?" Drin.
" Wala baby bored na ko sa class ko so I visit you here. Ayaw mo ba?" Pabebeng sabi ng lex na yun.
Naiinis ako mukha siyang pokpok realtalk. Kapal kapal ng lipstick sa labi parang sinuntok.
" Hahaha babe." Drin then kissed her again.Ang sakit. Parang may tumutusok sa puso ko. Taken na pala yung ultimate crush ko saklap.
" Oyy dude masyado kayong PDA di lang kayo yung tao dito." Renz
" Ahm CR lang ako. Pakisabi na lang kay Tracy kapag dumating." i said.
" Sige." Renz.
Tumakbo na ako. Pagdating kong CR doon ako humagulhol ng iyak at binuhos ang luha ko.
Ang sakit makitang nakikipaglandian sa iba yung crush mo. Huta.