Personal Assistant in Disguise
Tracy's Pov
Hanggang ngayon naiinis pa rin ako kay Renz. Ginawa ba naman akong tagabitbit ng bag niya bwisit.
Kakagising ko lang at nakita ko si manang sa baba na naghahanda na ng mga pagkain. Wala muna akong eyeglasses na makapal, fake brace at fake pimples. Yung real me talaga.
" Manang good morning po."
" Good morning din Tracy. Naghanda na ako ng pagkain mo kasi alam kong papasok ka pa."
" Thank you po manang. Nasaan po sila mom and dad ?" tanong ko.
" Maagang umalis eh. May meeting pa daw sila."
Sus lagi naman eh. Minsan ko na nga lang sila nakakasama pero umaalis rin kaagad.
" Eh si kuya po?"
May kuya din ako eh. Si Kuya Tris. Sweet yung kuya ko na yun tsaka caring kaso hindi na kami nakakapagbonding kasi may girlfriend na yun.
Nagseselos na nga ako sa girlfriend niya eh. Hmmpp.
" Umalis na rin iha. May pupuntahan daw sila ng girlfriend niya."
" Ah okey manang kakain na rin po ako."
Sanay naman na akong mag-isa. Ganyan naman sila eh iniiwan lang ako. Wow hugot HAHAHA.
Pagkatapos kong kumain naligo na ako mga 30 minutes din yun. Pagkatapos ay sinuot ko na yung mahaba kong palda tapos maluwag na uniform yung mukhang manang. Sabay suot ng makapal na salamin na walang grado at kabit ng pekeng brace at pimples binuhaghag ko din yung buhok ko.
Charan!
Kitty's Pov
I have conversation with my friends. Pinag-uusapan namin yung panget na Tracy na yun. Naiinis talaga ako kapag pinagtatanggol siya ni Renz. Nandidiri ako. Di ko alam kung anong gayumang pinaiinom ng panget na yun kay Renz.
" Ang landi ng Tracy na yan." Steph said.
" Ang panget panget na nga. Pero good news Kitty. May pag-asa ka kasi si Renz ginagawa niyang alalay si panget HAHAHA kung makita mo kang talaga kahapon. " Jannie said.
Natuwa naman ako sa sinabi ni Jannie. Bagay talaga kay Tracy yun.
Alam ko na ngayon kung bakit pinagtatanggol ni Renz yung panget na yun may kapalit naman pala at yun ay magiging alalay niya si Tracy pak HAHAHAHAHA.
Maldita gals ang tawag sa amin nila Steph at Jannie at kami yung mean girls na kinakatakutan dito.Pagkatingin ko sa gate ng school pumasok na yung panget. Halos lahat matatawa sa itsura niya. Buhaghag yung buhok. Ang kapal ng salamin ang daming kulugo sa mukha.Yuck.
" Speaking of the panget." Steph
Hinarangan namin siya nila Steph at Jannie.
" Wag niyo nga kong harangan."
" Eh paano kung ayaw namin magagawa mo?" i said.
" HOY MGA BISUGONG CLOWN LUBAYAN NIYO BESTFRIEND KO SASAMAIN KAYO SAKEN."
Tumingin ako sa sumigaw at nakita ko itong bestfriend ni panget na si Cindy.
Maganda si Cindy compared dito kay Tracy. Pero I dont know kung bakit niya naging bestfriend ito. Dapat sa amin siya sumasama eh. Tsaka kalevel din namin si Cindy.
" Oh ang panget kasi nitong bestfriend mo buti natitiis mo." Jannie.
" EH MAS PANGET KA PA NGA EH. MAGAGANDA NGA KAYO PERO ANG PAPANGET AT ANG BABAHO NG UGALI NIYO KAGAYA NG HININGA NIYO." Cindy.
Tinulak kami ni Tracy.
WTF ?!!
Hinila niya na si Cindy papalayo. Humanda ka saken. Di pa tayo tapos. Malalagot ka saken. Lakas ng loob.