Personal Assistant in Disguise
Tracy's Pov
Kasama ko si Paul dito sa canteen.
Inutusan lang naman ako ng unggoy na Renz na yun.
Pinapahirapan niya talaga ako eh buset.
Pero okay lang naman itong inutos sa akin ni Renz ngayoj kasi kasama ko lang naman ang ultimate crush ko na si Paul hihihi 😘😍
I like Paul kasi iba siya kay Drin at Renz. Si Renz kasi masama yung ugali, basagulero, unggoy, mangbabarang char. Si Drin babaero, kung sino sino yung babae at higit sa lahat Micro at hindi marunong makuntento sa isa. Si Paul nasa kanya na lahat ng hinahanap ko eh. Gwapo, mabait, gentleman, maalaga. Enebe. Ang landi mo Tracy hahahaha.
" Tara na Tracy. Nabili na natin lahat." Paul.
Binuhat ko yung mga pagkain pero pinigilan ako ni Paul.
" Ako na."
" Eh magagalit si Renz. Ako yung pinabili niya eh." i said.
" No ako na bahala sa kanya. Girls should be treated right." Then he smiled at me.
Tumango na lang ako. Pero deep inside kinikilig akooo.
Pagkadating namin dun. Nakita kong nakakunot yung noo ni Renz.
" Wow si Paul na pala yung bago kong PA ngayon. Diba Paul siya yung inutusan ko at hindi ikaw?"
" Oo alam ko. Sinamahan ko lang siya masama ba? And hindi tamang pagbuhatin siya ng ganyan karami. "
" Tss." Renz.
Nakita kong umirap siya. Napatawa ako kasi mukha siyang bakla. Napatingin siya sa akin kaya umiwas ako.
Pero teka lang. Nasaan si Cindy? Si Renz at Si Drin na may kasamang babae lang yung nandito.
" Renz napansin mo ba si Cindy?" i asked.
" Mag ccr lang daw siya pero hindi na bumalik."
Nakakacurious naman yun.
*FLASHBACK*
Umamin sa akin si Cindy. Secret lang daw namin.
" Alam mo ba Tracy crush na crush ko talaga si Drin. Kinikilig ako anytime na nakikita ko siya." Cindy.
" Bakit naman yun? Alam mo ba best napakababaero nun. Ayokong masaktan ka." i said.
" No tracy. Okay lang. Sanay naman na ako eh."
"Bahala ka."
*End of flashback*
Ah alam ko na siguro. Naglandian sa harap ng bestfriend ko itong si Drin at yung babaeng mukhang pokpokers.
Gusto kong lamutakin yung pagmumukha ng babae pero kilala nila akong silent nerd. Im a great pretender guys. Kaya di ko magagawa yun.
" Sige kumain na kayo diyan. Hahanapin ko lang si Cindy." Ako at umalis na dun.
Sinimulan ko nang hanapin si Cindy. Pumunta ako ng CR at may narinig akong humahagulhol kaya pagkabukas ko nito nakita ko si Cindy na namumula ang mga mata at iyak ng iyak.
Niyakap ko kaagad ito. I embraced her.
" Sssssssh.... Tahan na best." pagpapakalma ko.
" Eh best? Ang sakit sakit 💔💔 alam mo yun. Harap harapan pa!"
" Sabi ko kasi sayo diba? Maling tao yung minahal at nagustuhan mo."
" Eh best siya yung tinitibok ng puso ko. Pero hindi ako magpapatinag tatalbugan ko yung pokpokers na yun."
Hahahaha dyan ako bilib sa bestfriend ko lakas ng self confidence.
" Oo kaya cheer up ka na dyan at wag magmukmok papanget ka niyan." ako at itinayo ko na siya.
Hayyys baliw na talaga si Cindy.