Personal Assistant in Disguise
Tracy's POV
It's been 4 years since umalis kami ng baby ko sa Philippines and wala na akong balita kay Renz at Daniela.
Pero its okay.
Naging mabuti naman ang life and career ko dito sa Paris. Mabuti na rin at nailayo ko kaagad si Baby Renzian.
That's his name. Renzian Carl Dominguez. Yes apelyido ko ang dala dala ng baby ko. Hindi ng magaling niyang ama.
I'm thankful dahil nagkaroon ako ng baby boy. Siya yung nagpapawala ng stress ko. Makita ko lang ang ngiti ng anak ko buo na ang araw.
He is my happy pill.
Bigla na lang may nagback hug sa akin. Si Adrian lang pala.
Actually 1 month pa lang ng pagiistay ko dito sa Paris nagkakilala na kami. He courted me immediately pero hindi ko siya agad sinagot.
Pero as years pass by, napatunayan kong gusto niya talaga ako and siya yung tumatayong ama ng baby ko ngayon and inaalagaan niya ito na parang tunay niyang anak.
Sana siya na lang talaga yung tunay na ama ni Renzian pero hindi eh.
Sila Daddy gustong gusto ng makita yung apo nila HAHAHA. Akala ko magagalit sa akin yung parents ko nung sinabi kong may anak na ako gusto na nga nilang makita yung anak ko eh.
Parents ko yung nagsusustain sa amin ng baby ko and tumutulong din si Adrian. Kaya medyo magaan din ang buhay namin.
Si Kuya Tris hindi pa alam na may baby ako kasi di ko pinapaalam and besides pag nalaman ni ate Alijah na may anak na ako sasabihin niya ito kay Renz.
"Parang ang lalim naman ng iniisip mo labs." Adrian.
I smiled at him.
" Hindi naman. Si Renzian nasaan?"
"Nakatulog na. Napagod kanina kakalaro."
" That little kiddo. Hahahaha thanks Adrian ah." I said then smiled at him.
Napakunot noo naman siya.
" For what Tracy?"
" For coming into my life. Sa pag-aalaga kay baby Renzian. You proved that you truly love me :) "
He smiled then hug me tightly.
" Its okay labs. Im always here for you whenever you need me. Nandito lang ako para sa inyo ni baby Renzian."
May bumagabag na naman sa utak ko.
" Labs sooner or later pupunta ako ng Philippines. What if magkita kami ulit ng ex ko? Or let's just say ng ama ni Renzian."
Nakita ko ang pagbabago ng expression ng mukha niya.
" Sasama ako sayo dun. I won't let him na makalapit sayo. Isang beses ka na niyang nasaktan and ayaw ko nang maulit pa."
Ni isang beses hindi ako nakaramdam ng pananakit ni Adrian.
" Oo na labs. I know that you're jealous hahahaha."
" Psh." Siya then pokerface.
Gwapo talaga.
I pinced his nose.
" Damn why did you do that?" Siya at tumakbo na kaagad ako.
Hinabol niya naman ako.
Nahabol niya naman ako and accidentally his lips touch mine. Tumagal pa yun and we kissed torridly.
I guess mahal ko na itong lalaking ito. Pero hindi ko alam ang mararamdaman ko pag nagkita pa ulit kami ni Renz.