PAID ❤ 40

2 0 0
                                    

Personal Assistant in Disguise

Tracy's POV

Lord tulungan niyo po sana si Renz. Sana po makasurvive po siya.

Kasalanan ko po kasi ito eh. Kung hindi lang ako nagmatigas, kung hindi ko po pinairal ang puso kong bato hindi kami hahantong sa ganito eh. Huhuhuhu. I hate myself

Oo nasaktan ako.

Nasaktan ako nang mas pinili niyang paniwalaan si Daniela kaysa sa akin.

Pinaramdam niya kasi na hindi ako importante sa kanya. Pero dapat diba kinalimutan ko na yon. Past na yon eh.

At isa pa dapat hindi ko ipinagkakait si Renzian sa tunay niyang ama. Dapat hinayaan ko lang na makilala nila ang isa't isa.

**

Lumabas muna ako sa room ni Renz habang mahimbing siyang natutulog. Nakausap ko na rin yung doctor kanina. May mga nadislocate lang sa katawan niya. But he's okay daw baka soon daw ang recovery pero hindi pa rin maiaalis sa akin ang kaba.

The pressure is on me.

Umupo muna ako sa labas at nagmuni muni. Ayys

Hindi ko napansing katabi ko na pala si Adrian. Oo nga binalita ko sa kanya yung nangyari kay Renz. Tunawag kaagad ako sa kanya

" Okay na ba siya?" Tanong nito.

" Sabi ng nga doctor okay naman daw siya. May mga nadislocate lang daw sa katawan niya."

"Ah I see."

I smiled at him kahit pilit.

"Si Renzian?"

"Tulog. Walang tigil kakaiyak hinihintay ka nun eh. Hinele ko naman kaya ayun nakatulog."

I'm so lucky having Adrian. He really loves my Renzian. I owe him a lot for taking good care of my child.

" Ah thank youuu. "

Isang katahimikan ang bumalot sa aming dalawa pero siya rin ang bumasag nito.

" You really love him noh?"

"Huh? Who?"

"Renz." He said

" What do you mean?"

" Tracy I feel that you still love him. Sinasabi lang ng utak mo na hindi but your heart says that you still love him."

Ang gulo.

"Di talaga kita maintindihan."

" Maybe oo nasaktan ka nga niya. Kahit galit na galit sa kanya yung tipong sinusumpa mo na siya pero itong incident na ito halos magpanic ka na. May feelings ka pa din. Mahal mo pa din siya. Hindi ka naman mag-aalala nang ganyan ng sobra kung hindi mo naman mahal si Renz."

Yung sinabi ni Adrian. Parang totoo. Posibleng mahal ko pa si Renz kahit deny ako ng deny.

"May narealize lang ako Tracy maybe I'm just your rebound all this time. Pero hindi naman ako magagalit kung ganun nga. Maybe we're better off as friends. Ayaw ko nang makipagkumpetensiya Kay Renz kasi alam kong siya yang nilalaman ng puso mo kahit anong deny mo. I will be your bestfriend :) I will still support you and syempre aalagaan ko pa din si baby Renzian. Maybe may right girl for me. "

Naiyak ako sa litanya ni Adrian. Tama siya. Ginawa ko siyang panakip butas. Napakasama ko.

After that I hug him.

" Thank you Adrian. I think you're right. Thank you for being my friend. Thank you sa pagmamahal mo kay Renzian at sa akin."

"Its nothing. Sige na bantayan mo na yung mahal mo mas madali siyang makakarecover kung nasa tabi ka niya."

Sinunod ko yung sinabi niya. Siguro nga kami ni Renz ang tinadhana para sa isa't isa.

Nagsisi tuloy ako sa sinabi ko nung isang araw. Yung pinagtagpo pero di tinadhana.

May mga problema lang talagang sinusubok ang relasyon niyo pero in the end kayo talaga.

Personal Assistant in Disguise Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon