11.
Ang bilis ng pagpapaandar ko sa motor.
Gusto ko silang takasan pero ayaw ko silang saktan. Matagal ko rin silang nakasama. Ang gusto ko lang magbago buhay. Isang tahimik na buhay. Marami pa naman magagaling dyan bakit ayaw nila akong pakawalan?
Mas lalo ko pang binilisan ang pagpapatakbo sa motor ko.
Asan ako anong lugar ba ito? Tanong ko habang nakasukbit ang bagpack sa likod at hawak ang isang malaking bag ko. Itinago ko muna ang motor ko sa loob ng kweba.
Naramdaman ko ang pagkahulog ko. Sumabit ang bagpack ko sa isang puno nakausli. Sumabit din ako. Nang sinubukan kong bumaba, muli akong dumausdos pababa naiwan ang bagpack ko nakasabit sa puno. Sa pagdausdos ko nabitawan ko rin ang malaking bag ko kasunod ng matinding sakit sa aking ulo.
“Hindi ba ayos ang naging tulog mo Mary Rayette?”
Mula sa pagkain napatingin ako kay Drigo. Nakakunot ang noo nya habang namamasyal ang mga mata sa mukha ko.
Yikes sigurado ako mukha ako panda zombie. My flirty side said. Terrified.
Totoo naman. Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa mga panaginip ko at dahil sa ilang alaala na nagbalik. Sa panaginip ko nakita ang huling mga pangyayari bago ako napunta dito.
At ito ang mga naalala ko.
Hindi talaga ako tagarito sa mundo ito.
Hindi ako mamayanan ng Dapit-Hapon. Sigurado na ako na sa ibang mundo talaga ako. Hindi ako isa sa kanila.
Maraming pagkakatulad ang mundo ito sa mundong pinanggalingan ko pero marami ring pagkakaiba. Ngayon halos mabaliw ako kung paano ako napunta dito at kung bakit ako nandito? Bukod sa hindi pa gaano na aabsorb ng utak ko na may iba mundo pala bukod sa mundo alam ko.
Sakay lang ako ng motor ko tapos ito na BOOM naandito na ako.
Isa pa sa nalaman ko may mga gamit ako na nasa kagubatan dalawang bag at kung makikita ko ang laman niyon baka makatulong sa pagbabalik ng mga alaala ko.
And my bike kailangan ko makuha iyon.
Kung may mga tanong ako na nasagot may nadagdag din at unang-una sa listahan ko ay bakit ako hinahabol sa mundo ko. Mga armado pa take note.
My life is so fuck-up. --badass side
“Mary Rayette.”
“Ha?” nakalimutan ko na kinakausap ako ni Drigo.
Sa pagkakataong iyon magkasalubong na ang kilay nya.“Sena sabihin mo sa mga magpapaturo na magpapahinga si binibini Rayette. Hindi sya makakapagturo ngayon.”
“Oo Drigo.” kahit sumunod ramdam ko ang inis sa boses ni Sena.
“Uy teka hindi ko na---” naputol ako sa pagsasalita ng tignan ako ni Drigo. Tingin na nagsasabi 'don't you dare or else' look.
Sabi ko nga susunod na ako. My submissive side said.
Tumango ako. Huminga ng malalim pagtapos ay sinalubong ang mga mata ni Drigo.
“Gusto ko kayo makausap pagkatapos natin kumain.” Sabi ko.
Ipapaalam ko na may naaalala na ako, na hindi ako tagarito sa mundo nila, na ang bansag sa akin na dayo ay talaga bagay na bagay sa akin. Wala naman dahilan para itago ko iyon.

BINABASA MO ANG
Dayo
FantasiDayo. Ako si Mary Rayette. Isang assassin. Assassin na napunta sa ibang mundo. Literally. Dayo. Ang masaklap pa nawalan ako ng memorya kaya kakapa-kapa ako sa mundo hindi ko naman alam kung totoo. Naisip ko nababaliw na ba ako, na baka isa lang...