1.
Nakakasawa.
Nakakapagod.
Paulit-ulit nalang.
Gigising.
Magtratrabaho.
Papatay.
Ganyan ang buhay ko sa araw-araw.
Ako si Rayette Digno. Twenty-five years old.
Isang propesyonal na assassin.
Oo. Isa ako mamatay tao.
Pumapatay para mabayaran. Magkapera.
Noon una punong-puno ako ng takot nang tumagal excitement na ang nararamdaman ko. At ngayon nasa punto na ako ng buhay ko na nagsasawa na sa aking ginagawa.
Ayoko na. Sawa na ako. Gusto ko gumising naman ng umaga na walang misyon na iisipin, na walang buhay na pagpla-planuhan na patayin.
Tahimik, simple at payapang pamumuhay iyan ang gusto ko.
Kaya naman kumalas ako sa organisasyon kinasasaniban ko. Tulad ng inaasahan pumayag sila. At tulad din ng inaasahan pakitang-tao lang iyon.
Dahil heto ako ngayon hinahabol ng mga dati kong kasamahan.
"Malas! Malas! Malas!" Paulit-ulit ko sinasabi iyan habang tumatakbo sa isang eskinita sa Las piñas. Kauuwi ko lang ng magsisulputan ang kasamahan ko assassin din.
Bitbit ang backpak na naglalaman ng lahat ng pangangailangan ko at isa bag pa ng mga armas. Habang nililipad ng hanging pang-gabi ang aking mahaba at kulay itim na buhok tinahak ko sakay ng akin motorsiklo ang kadiliman ng gabi papasok sa isang pribabado subdivision.
Kayang-kaya ko sila labanan. Hindi man ako ang pinakamagaling kilala ako sa titulo Rayette the Shrewd. Kahit ano lakas ng kalaban nagagawa ko matalo.
Resulta siguro iyon ng hilig ko sa pagbabasa. Binabasa ko lahat. Lalong-lalo na kapag may bago ako gusto matutunan.
Meron ako photographic memory. Nagagawa ko matandaan ang mga bagay na gusto ko tandaan. But I can easily forget it too if I want to.
Marahil iyon ang dahilan kaya ayaw ako bitawan ng Blade Inc. Isa ako sa best asset sabi nga ng kaibigan ko si Patrick na isa sa mga humahabol sa akin ngayon.
Kaya ko sila, pero tama na ayoko na talaga pumatay. Komento ng sensible side ko.
Why dapat tumigil ka. Harapin mo sila. Kayang-kaya natin sila. Sabi naman ni Badass side.
Oo kinakausap ko ang sarili ko. Nakakatulong iyon para mapagdesisyunan ko ang mga dapat mapagdesisyunan.
Minsan nga pakiramdam ko ang dami ko ng katauhan sa loob ko. Pero hindi ako nababaliw ha.
Sana makapunta ako sa lugar na hindi nila naabot. Sa lugar na pwede ako magbago buhay.Hiling ko habang dumadaan sa pagitan ng dalawang malaking puno.
Hindi ko alam kung anong nangyari kanina lang hinahabol ako ng mga dating ko kasamahan pagkatapos natagpuan ko na lang ang sarili ko na muntik ng mabangga ng isang kabayo na mabilis ang takbo. At kung kanina madilim ngayon halos masilaw ako sa mataas at tirik na tirik na sikat ng araw.
Sa sobra gulat nagpagewang-gewang ako at nawalan ng kontrol sa motor. Mula sa bako-bako kalsada nailiko ko ang motor papasok sa gubat.
"Malas!" Sabi ko ng bumangga ako sa isang puno. Umungol ng bumagsak at madaganan ang hita ko ng motor.
BINABASA MO ANG
Dayo
FantasyDayo. Ako si Mary Rayette. Isang assassin. Assassin na napunta sa ibang mundo. Literally. Dayo. Ang masaklap pa nawalan ako ng memorya kaya kakapa-kapa ako sa mundo hindi ko naman alam kung totoo. Naisip ko nababaliw na ba ako, na baka isa lang...