Kabanata 16

24.2K 1K 281
                                    

16.

       "H-hoy Pinuno ano bang problema mo?" Putek bakit na nauutal ako?

         Hindi siya kumibo bakas parin ang galit at inis sa mukha nya.

        "Ano...ano bang kailangan mo? Saka bakit mo ginawa iyon? Hindi iyon gawain ng isang maginoo Dri-Drigo." Pinilit ko nilagyan ng inis ang tinig ko. Para hindi naman obvious na kinakabahan ako.

          Tumayo ako sa gilid ng kama. Tinignan ang kabauan ng kwarto nya para makaiwas sa kanya mga mata.

         Hindi ito tulad ng ibang kubo. Halata importante ang tao umookupa. Hindi naman ito ganon karangya pero hindi din ganon kapayak.

         Napatingin ako sa dingding kung saan may ginto tela na nakasabit na may desenyo leon at rosas.

         Kumunot ang noo ko. Katulad iyon ng design ng punyal na binigay sa akin at ng ipit na bigay nya. Ano bang simbulo ng tatak na yan nga?

        Tatak ng Una Pamilya?

         Nawala ang pansin ko doon ng maramdaman ko ang pagkilos ni Drigo.

         "Te-teka bakit lumalapit ka?"

          Shit iyong tingin niya at aura bakit parang leon na handang sumagpang.

         Sumagpang talaga Rayette. Ulit ni sensible side.

         Aba kung ganyan katipuno at kagwapo papasagpang na ako. Sabi naman ni flirty side.

         Napaatras ako ng wala ng dalawang hakbang ang pagitan namin.

        "Pi-pinuno ano-... pwede bang sa labas na lang tayo. Akala ko ba hindi magandang tignan kung nasa loob ng kwarto ng isang lalaki ang isang babae. Baka isipin nila," lumunok ako. Pinagpapawisan. "Baka akalain nila magboyfriend/girlfriend tayo."

         Huminto sya. "Ang ibig ba sabihin ng boyfriend/girlfriend na sinasabi mo ay magkasintahan?" Tanong nya bigla.

         Wala sa loob na napatango ako bilang sagot.

         And that ladies and gentlemen ang kanina tila mangangain na leon ay tila naging pilyo pusa ng ngumisi. Goodness that smirk.

      Iyong ngisi na kinaiinis but at the same time ay kinakikiligan ko.

         "Kung ganon hayaan natin na ganon nga isipin nila para wala lalapit o hahawak sayo na lalaki, nang hindi nila gawin kahit yakapin ka man lang. Dahil Mary Rayette nagdidilim talaga ang paningin ko kapag nilalapitan ka nila sa paraan din ng tulad ng gusto ko gawin na paglapit sayo."

         Nawawala na ako. Ano bang pinagsasabi nya. Ano bang paraan ng paglapit ang sinasabi nya?

         Awang ang labi na napatunganga ako sa kanya. Nagdidilim ang paningin? Bakit?

         Nanlaki ang mga mata ko ng may marealize.

         "Nag... nagse-seselos ka ba Drigo?" Lakas loob na tanong ko.

          Matiim na titig ang sagot nya.

         Nagtitigan kami ng ilang segundo bago sya bumuntung-hininga.

         "Magpahinga ka dito Binibini. Ipapatawag na lang kita kapag mahahapunan na." Tumalikod sya. Naglakad. Nasa may pinto na sya ng bigla syang pumihit pabalik.

         Hindi na ako nakapiyok ng bigla nya ako kabigin at halikan ng mariin. Nanlaki na lang ang mga mata ko. He nipped my lower lip bago nya tinapos ang halik na iyon.

DayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon