37.
Nababaliw na siguro ako. Naisip ko habang nakatingin sa ibaba.
Malamig ang simoy ng hangin katulad ng isang gabi. Ang pagkakaiba lang ngayon, umaga na at walang ulan. Narito ako muli sa rooftop.
Isang araw ko inisip ang mga nangyari sa amin ni Daniela.
Naghisterya siya, hindi maabot ng isip niya ang nangyari sa amin.
"A-anong-?" Gulat na gulat na sabi niya habang inililibot ang tingin sa paligid. Nasa baldosa kami sa tapat ng condominium building ko. Ang mukha ng mga dumadaan puno ng pagtataka. Nakaupo kasi kami sa semento sa gitna ng ulan.
"Ano'yon Rayette? Anong nangyari? bakit-?" Naguguluhan na tanong niya.
Kinalma ko naman ang sarili ko mula sa pag-iyak. Tumayo ako.
"Anong sinasabi mo Daniela?"
"Paanong-, bakit naandito tayo? Sino ang mga taong- shit what is that? Nasa rooftop tayo diba? Tapos... bigla may mga tao na kakaiba... hanggang- hanggang sa..."
Kinunotan ko sya ng noo. "Ano ba pinagsasabi mo Daniela? Inabangan mo ako rito 'di ba. Naglaban tayo rito. Nasuntok kita, nauntog ka sa semento. Anong pinagsasabi mo? Rooftop? Sinong mga tao? Iyang dumadaan ba?" napailing-iling ako. "Alam mo Daniela, magpahinga ka, baka nasobrahan ka na sa pakikipaglaban, kung ano-ano iyang sinasabi mo. Take a rest, next time mo na ulit ako pagtangkaan na patayin."
Iniwan ko sya roon na naguguluhan parin. Wala ako pakialam kung naniwala siya o hindi. Humiga ako ng gabing iyon na nag-iisip.
Then I'm here, nagbabalak na tumalon ulit sa rooftop, nagbabaka-sakali na makabalik ulit sa Dapit-Hapon, sa pamamagitan nito.
Baliw ka. Eh paano kung hindi? Paano kung mahulog ka at mamatay? Tanong ni sensible side.
Eh di patay.
Baliw ka na, baliw ka na talaga.
Huminga ako ng malalim. Umatras, desidido na ako. Ano man ang kalabasan nito handa na ako.
Paano kung makabalik ka? Anong gagawin mo? Nakita mo, may iba na siya. Napahinto ako sa akma pagtakbo.
Napahawak ako sa dibdib ng maramdaman ko ang pamilyar na pagkirot doon. Ilan beses ko itong naramdaman mula pa ng makita ko magkatabi si Drigo at Tanya.
Iyong sa sobrang kirot, nahihirapan na ako huminga.
Hindi ko alam? Bahala na, basta ang gusto ko makabalik.
Naisip mo ba na baka ayaw nila na bumalik ka. Ibinalik ka nila, dito 'di ba?
Napailing ako. Kung ano man ang mangyayari, tatanggapin ko.
Tumakbo na ako bago pa humaba ang pakikipag-diskusyon ko sa sarili ko.
Hindi ako huminto sa pagtakbo, hanggang sa wala na ako semento na matapakan. Pumikit ako at dinama ang hangin. Hinintay ang kapalaran na mangyayari sa akin.
Hinanda ko na ang sarili ko para sa aking pagbagsak, kaya naman ng muli ako may matapakan bahagya ko na nabalanse ang aking sarili. Gumewang ako at nailuhod ang isang tuhod.
Alam ko may mga matang nakatingin sa akin.
Dahan-dahan ako dumeretso ng tayo.
Tulad ng sa dati, isang marangyang silid ang kinabagsakan ko, wala nga lang ang maraming tao. Ang narito ay ang Unang miyembro ng Sandugo, pati narin si Drigo.
Hindi ako nagsalita, hinayaan ko muna na mawala ang pagkashock nila. Inilibot ko ang tingin. Puro libro ang nakikita ko sa paligid. Mukhang ito ang bago meeting room nila.
BINABASA MO ANG
Dayo
FantasyDayo. Ako si Mary Rayette. Isang assassin. Assassin na napunta sa ibang mundo. Literally. Dayo. Ang masaklap pa nawalan ako ng memorya kaya kakapa-kapa ako sa mundo hindi ko naman alam kung totoo. Naisip ko nababaliw na ba ako, na baka isa lang...