26.
"Malaki ang aking pasasalamat sa pagbabalik mo sa titulo, Rodrigo. Sa pagtulong sa aking mga mandirigma na protektahan ang Talampas Nayon. Bilang kapalit, pwede ka pumasok sa loob ng minahan, kumuha ng isang bagay na iyong ibig."
Iyan ang mga kataga ni Apo Temyo, kay Rodrigo. Oo nasa Talampas Nayon na kami. Dumating sa tamang oras ang grupo ko. Naiipit na kami sa labanan ng mga oras na iyon, nagpapanic na ako at kahit na sina Pedro ng masugatan si Drigo.
Masugatan man ako, alisto pa din ako. Masaktan man ako,hindi nawawala ang pokus ko sa pakikipagpalaban, pero ng makita ko si Drigo ang nasaktan, na blanko talaga ako. Nawalan ako pakialam sa paligid at ang nasa isip ko lang ng mga oras na iyon ay si Drigo. Ang magamot sya.
Kahit na nga may sugat na sya, pino-protektahan nya pa rin ako, na hanggang ngayon ay kinagugulo ng isip ko. Bakit nya ako pinoprotektahan?
"Sumuko na kayo Drigo, ibalik nyo na sa akin ang kasulatan, at lumuhod sa harap ko. Baka sakali patawarin ko kayo." Naalala ko sabi ni Hidalgo ng mapalibutan na kami.
"Hindi ako lumuluhod sa kahit na sino Hidalgo. Hindi ako pinanganak para lumuhod sayo." Sabi ni Drigo. Mas kinagalit iyon ni Hidalgo, kaya nag-utos sya na patayin kami.
Good thing dumating ang grupo ko sa pangunguna ni Arturo. Napaatras ang grupo ni Hidalgo sa dami ng mga dumating.
Mabilis na nilapatan ni Perdro ng paunang lunas ang sugat ni Drigo, habang nasa loob kami ng kalesa patungo Talampas Nayon.
Masikip dahil ang nasa loob ay ako, si Drigo, Tanya, Sena at Pedro, Hindi pumayag si Drigo na umalis ako sa loob ng kalesa, sa katunayan muli nya ako itinali sa kanya nang sumubok ako lumabas para hanapin si Erick at gamotin.
"Masikip na dito Drigo, at kailangan ko matignan ang sugat ni Erick." Pagpupumilit ko.
"Hindi Mary Rayette dito ka lang, sinisigurado ko may gumagamot na kay Erick." And like always, he used that tone. That tone na wala ka magagawa kundi sundin dahil iyon ang utos nya. Ano pa magagawa ko kundi ang sumunod at manatili. Kahit na nga naiinis ako kay Tanya na kuntodo ang asikaso kay Drigo habang ginagamot. Ganon din si Sena.
Naiinis ka kasi gusto mo ikaw ang nag-aasikaso sa kanya. -sensible side.
Oo, nasaktan kaya sya dahil sakin. Dapat ako ang gumagamot at nag-aasikaso sa kanya.
Talaga lang ha. Kantyaw ni sensible side. May sinasabi si flirty side na hindi ko pinansin.
Pagdating namin sa Talampas Nayon kaagad kami nagtungo kay Apo Temyo para ibigay ang titulo.
Hindi ako umimik o itinama na ako ang nakakuha ng titulo.
"Maraming salamat Apo." Sabi ni Drigo na nakabenda na ang mga sugat. "Maaari ba ako magsama ng dalawa pa tao sa loob?"
Sandaling nag-isip si Apo Temyo. "Kung sila ay mapagkakatiwalaan mo na hindi ipagkakalat ang mga bagay na makikita nila sa loob, maari mo sila isama."
"Pinagkakatiwalaan ko sila, kahit na ng aking buhay Apo. Alam nila ang lalim ng pagkatao ko. Sigurado ako ano man ang makita nila sa loob hindi nila ipagsasabi kahit na kanino. "
"Kung ganon maaari mo sila isama."
Tinawag ni Drigo si Pedro, pagkatapos ay tumingin sya sakin na kinakabog ng dibdib ko.
Lumagpas ang tingin nya, "Tanya."
Naglakad sila tatlo patungo minahan, pinigilan ko na magkaroon ng kahit ano emosyon ang mukha ko. Tumingin muli sa gawi ko si Drigo. Hindi ko na sinalubong ang tingin nya nagkunyari ako ang pansin ay nasa mga sugatan na ginagamot.
BINABASA MO ANG
Dayo
FantastikDayo. Ako si Mary Rayette. Isang assassin. Assassin na napunta sa ibang mundo. Literally. Dayo. Ang masaklap pa nawalan ako ng memorya kaya kakapa-kapa ako sa mundo hindi ko naman alam kung totoo. Naisip ko nababaliw na ba ako, na baka isa lang...
