Kabanata 13

22.9K 1.1K 235
                                    

     A pack of wolf is led by an Alpha.

     Sya ang sinusunod at gumagabay sa pangkat.
    
     Sa Dapit-Hapon. Tulad ng pangkat ng mga lobo. Ang mga grupo o samahan na nabubuo dito ay tulad nila.

     Pipili sila ng isang lider. Minsan sa pamamagitan ng botohan o kaya ng pakikipaglaban. Susumpa ng katapatan ang lahat ng miyembro sa pinuno napili ganon din ang mga sasapi pa.

     When you become a leader lahat ng miyembro mo ay dapat sundin ang iyong gusto. Ang mga salita bibitawan mo ay magiging batas sa mga at  walang sinoman ang makakabali maliban sa Hari at sa unang pamilya nito.

     Ang tuma-traydor sa isang samahan minsan kamatayan ang parusa.

     That is the silent rules.

     When the leader is sensible enough. Binibigyan nya ng pagkakataon ang traydor na miyembro para i-justify ang ginawa nito. Minsan pa nga bibigyan ng isa pang pagkakataon. But mas madalas ang mga pinuno na kamatayan kaagad ang hatol sa kanila sa takot na sumali ito sa isang grupo at mabigyan ng pagkakataon na masugod at masakop ang pangkat nya.

      Dahil kung sa isang labanan natalo ang pinuno. Tulad ng sa mga lobo, kung sinoman ang makatalo sa kanya ang syang magiging bagong alpha. No questions ask. 

     Lahat ng miyembro ituturing ka na bago lider sa ayaw o sa gusto nila.

     Iyong bond na nagtatali mula sa mga miyembro ay malilipat sa bago pinuno. Gustohin mo man o hindi ikaw na ang susundin nila. Makakawala lang sila kung bibigyan mo ng pahintulot na umalis o kumawala.

     Bukod sa pagkatalo ang pagiging pinuno ay nakukuha kung ililipat o ipapasa iyon ng kasalukuyang lider sa iba.

     Pero sa mundo tulad ng Dapit-Hapon na kabi-kabila ang karahasan lahat gusto maging leader para maprotektahan.

     But not me. Napailing ako.

     Definitely not me.

     Mula sa pagtitig kay Nanay Geneva na nililinisan at ginagamot ang sugat ko napatingin ako sa may bintana at sa kulay asul na rosas. Kelan pa nagkaroon ng rose dyan?

     Ipinaliwanag sa akin ni Nanay Geneva kung bakit lumuhod at tinawag ako pinuno ng mga bandido nakalaban namin, na nagpapasakit ngayon sa ulo ko.

     Hindi ko kailangan mamuno dahil hindi naman ako tagadito. Dagdag isipin ko pa sila.

     Pero diba ang cool. Magiging  leader kanila. Tumatalon sa excitement si badass side.

     Ano ang nakaka-excite doon dagdag sakit ng ulo pa kaya. Anong malay ko sa pagiging pinuno ng mga bandido -si sensible side nakapamewang.

     Tsss killjoy. Sikmat ni badass side na umambang kokotongan ito.

     Okay hindi sila nakakatulong.

     “Tapos na ineng.” Napasulyap ako kay nanay Geneva.

     “Salamat po nay.”

     “Gusto ni Drigo na magpahinga ka muna bago mo harapin ang grupo mo.”

     Kumonot ang noo ko. “Ngayon na po nay. I’m okay naman po. Ayos lang po ako.” Bakit magpapahinga pa ako. Haharapin ko na the sooner the better.

     “Ngunit si Drigo-.”

     “Ako na po ang bahala sa kanya Nay.” Sabi ko habang tumatayo. Nakapagpalit na ako ng bestida iyong bestida na sinusuot nila. Sinabihan ako ni nanay Geneva na huwag muna isusuot ang mga damit na tinahi ko. Pinagbawal ni Drigo.

DayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon