34.
Sinabi ni Drigo sa akin lahat ng plano niya. Kung paano nya papabagsakin ang Unang-Tagapayo at ang mga Tagasunod nito.
Kung paano ang mga pamamalakad na gagawin niya sa buong Dapit-Hapon.
I was so amazed ng ipakita nya sa akin ang isang notebook. Isinusulat nya pala dito ang mga napansin kong hindi kaaya-aya sa mga batas nila.
"Isinulat mo talagang lahat." Hinawi ko ang buhok kong tumabing sa aking pisngi habang binabasa ang mga sinulat nya.
Nasa may kubong-tambayan kami, nakaupo at nagpapahinga. Kararating niya lang mula sa pagpupulong.
Tumaas ang kamay niya para hawiin din ang buhok ko.
"Marami kang pinamulat sa akin, Mary Rayette. Kapag hari na ako, ikagagalak kong pakinggan ang mga opinyon at payo mo."
Ngumiti ako sa kanya. "Magiging Tagapayo mo ba ako, kamahalan?"
Ngumisi naman siya, hinaplos ang pisngi ko. "Ano sa tingin mo, binibini ko?"
Hinuli ko ang kamay nya at hinawakan iyon.
"Kung ano ang gusto mo, kamahalan."Mas lalong lumuwang ang pagkakangisi niya, pinatakan ako ng halik sa tungki ng ilong ko.
"Drigo," tawag ni Tanya. Nakatayo sya sa ilalim ng puno na nasa tabi ng kubo.
Sinubukan kong lumayo kay Drigo, pero bumaba ang kamay niya sa bewang ko at pumulupot doon.
"Drigo," saway ko naman.
Napansin ko. Pagkatapos ng pag-uusap namin mas naging showy o ma-PDA siya.
Kapag nasa labas kami, lagi siyang nakahawak sa kamay ko, sa bewang o di kaya ay nakaakbay sa akin.
Prinsepe talaga siya dahil hindi kinukwestiyon ang mga ginagawa niya.
Wala pa kami pinagsasabihan na magkasintahan na kami.
Yes, magkasintahan na kami. Boyfriend ko na sya. Lakas loob na tinanong ko siya tungkol doon ng gabing iyon.
"Ano na tayo ngayon pinuno?" Nakaunan ako sa dibdib niya habang hinahaplos ang buhok ko. Wala nangyari. Matibay ang self-control ng mahal na prinsepe, bagamat hindi naman niya mapigilan ang humaplos at humalik.
"Magkasintahan. Ikaw ang kasintahan ko Mary Rayette."
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Yumakap ako ng mahigpit sa kanya. Hinalikan naman nya ako sa ulo.
"Proprotektahan kita, Mary Rayette. Ibibigay ko sayo ang buhay na dapat, bilang kapareha ko." Dama ko ang pangako sa tinig niya.
"Ano iyon, Tanya?"
Lumapit si Tanya. "Gusto kang makausap ni Ama."
Kumunot ang noo ni Drigo. "Andito si Arnaldo?"
Tumango si Tanya. "Kakausapin ka niya."
Tinignan ako ni Drigo na parang humihingi ng pahintulot.
"Sige na, dito lang ako, hihintayin kita."
Tumango si Drigo, humalik siya sa noo ko bago tumayo.
"Nasa kubong-pulungan sya," ani ni Tanya.
Isang tingin pa ang binigay ni Drigo sa akin, bago siya tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
Dayo
FantasyDayo. Ako si Mary Rayette. Isang assassin. Assassin na napunta sa ibang mundo. Literally. Dayo. Ang masaklap pa nawalan ako ng memorya kaya kakapa-kapa ako sa mundo hindi ko naman alam kung totoo. Naisip ko nababaliw na ba ako, na baka isa lang...