Kabanata 8

27.5K 999 112
                                        

8.

     Nanggigigil ako habang pinapanood kung paano nila abusuhin ang dalagita.

     Oo dalagita pa lang sya. Tantiya ko nasa labing-lima hanggang labing-anim sya.

     Mga walanghiya. Lima laban sa iisang dalagita. Hindi ba sila makakuha ng babae at kailangan pa nila mamwersa.

     Halos dumugo ang labi ko sa diin ng pagkakakagat ko nang pilit na itinataas ng isa sa mga Tagapagparusa ang suot na bestida ng dalagita.

     Kung dala ko lang ang baril ko. Sa ulo sa baba ko kayo papatamaan para mapuruhan kayo. ---badass side

     Natigilan ako.

     Baril? Meron ba ako ganon. Marunong ba ako gumamit?

     Napailing-iling ako. Hindi ito ang tamang oras para makipagtanongan sa sarili.

      Kilos na Rayette. My badass side urged.

     Sira ka ba.  Mag-isip ka muna. Magplano. Sa tingin mo ba kaya mo sila. Ano ka si Darna. Kontra ni sensible side.

     Wala ng oras para magplano. Kumilos ka na bago mahuli ang lahat. Hindi nagpatalo si badass side.

     Humanda ako sa pagsugod ko. Hawak ang isang bato lalabas na sana ako sa pinagtataguan ko ng may pumigil sa akin at takpan ang bibig ko.

      May itim na tela na tumatakip sa ilong nya hanggang baba.  May suot sya buri hat na hindi kalakihan pero sapat na para matakpan at maitago ang kanya mukha. Tanging mata lang niya ang nakalabas.

     Magkaganon man, kahit hindi ko makita ang buhok nya. Alam ko na si Drigo sya.

     “Ako ito.” Bulong nya. Sa backround namin patuloy ang tili ng dalagita inaabuso.

     Kakawala sana ako sa kanya para kumilos ng idiin nya ang sarili nya  sa akin.

     “Tigil. Tumigil ka Mary Rayette. Tutulongan namin ang babae. Ngunit gusto ko na magtago ka lang. Huwag na huwag kang gagawa ng ingay o makikialam. Maliwanag ba?”

     What but I want to fight too at bakit sila narito? --- badass side.

     Umiling ako. "Akala ko ba ayaw nyo  makialam? Umalis ka na Drigo ako ng bahala dito."

     Really girl ngayon ka pa talaga nag-inarte. ---sensible side.

      Sinubukan ko lumayo sa kanya pero muli nya ako hinila.

     "Huwag matigas ang ulo binibini kami ng bahala sa kanila."

       Pinanlakihan ko sya ng mga mata. "Are you nuts. Madadamay kayo, ang grupo mo. Tulad nga ng sabi nyo hindi nyo dapat itaya ang buhay ng marami para sa dalawa tao lang. Umalis na kayo Drigo." Pilit ko sya tinutulak.

     "Tigil." Punong-puno ng awtoridad ang boses nya na kusa nagpatigil sa ginagawa ko pagpalag.

      Namilog ang mga mata ko sa tono nya. Iyong tono na dapat mo talaga sundin at hindi mo pwede suwayin.

     "Tama sila hindi dapat itaya ang buhay ng nakararami para sa buhay ng iilan." Deretso nakatingin ang mga mata nya sa akin. "Pero ang buhay mo Mary Rayette ay katumabas ng buhay nilang lahat."

      Ha? Hindi ko nagets.

     "Manatili ka dito. Panatilihin na ligtas ang sarili mo. Ililigtas namin ang dalagita, kami ang bahala sa lahat kaya huwag ka makikialam." Utos niya.

DayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon