Kabanata 36

25.9K 1K 393
                                    


Chapter song : Imahe by: Magnus Haven. Pakinggan nyo guys para mas feel nyo. Basahin nyo po hanggang dulo ha. Happy reading :)

P.s hello sa mga gising pa tulad ko. Inumaga na tayo 😅.

-----

36.

     May mga misyon ako sa buhay. May mga bagay na dapat ako gawin.

     At nakatutok ang atensyon ko sa mga misyon ko.

     Kilala ako ng lahat sa pagiging matigas. Gagawin ang lahat para magtagumpay.

     Mula ng mamatay ang aking Inang reyna. Lumalaban na ako. Para maghiganti, para mabawi ang dapat na akin. Ipaglaban ang mga nasasakupan ko.

     Sa murang edad pa lang hinubog na ako ng aking ama para mamuno, maging isang magaling na hari.

      Ang mga misyon ko ang nagbibigay sa akin ng dahilan para mabuhay. Sa kabila ng sakit ng pagkawala ng aking ina. Sa pagkawalay ko sa aking ama. Patuloy parin ako lumalaban. Sa umpisa gusto ko ng sumuko lalo na ng malaman ko na kinokontrol ng Unang-Tagapayo ang aking ama.

     Paano pa ako lalaban? Kung ang sarili kong ama ay sumuko na.

     Ngunit hindi pumayag si Arturo. Ang Ikalawang -Tagapayo na nagligtas at gumabay sa akin.

     Paulit-ulit niya na pinaintindi kung gaano kahalaga na lumaban ako.

    Sa tulong niya pinalakas ko ang aking sarili. Pinag-aralan ko ang mga dapat ko malaman at tumulong ako sa mamayanan.

     Binuo ko ang Sandugo, hindi lang para magrebelde sa pamahaalaan kundi para makatulong.

     Lahat ng sumali, sumumpa ng katapatan sa akin. Lahat sila nalaman kung sino talaga ako.

     Lumaki ang Sandugo. Lumawig ang impluwensya ko. Alam ko, handa na ako para maisakatuparan lahat ng plano.

     Hahanapin ko ang Tatlong-Yaman, magpapakilala bilang prinsepe ng kaharian.

     Sa isip ko, si Tanya ang ihaharap ko bilang aking prinsesa. Bilang susunod na reyna.

     Siya lang ang babaeng nakikita ko karapat-dapat, at bilang pasasalamat narin sa katapatan ni Arturo, hindi lang sa akin kundi sa Unang-Pamilya.

     Nasa lugar na ang lahat at nakaayos na, hanggang sa dumating siya.

     Mary Rayette. Unang kita ko pa lang sa kanya, alam ko na sya ang ihaharap ko sa lahat. Ang babaeng magiging prinsesa ko, ang aking magiging reyna.

     Nagulo ang plano ko. Nagbago.

     Hindi ko na dapat siya hinanap sa una pa lang pero kusang kumilos ang mga paa ko na iligtas siya sa mga Tagapagparusa. Hindi ko maatim na masasaktan siya.

     Kaya iniligtas ko siya. Isinama sa kampo kahit na nga tutol na tutol ang aking unang miyembro.

     Hindi dapat magpapasok ng taong hindi pa lubos nakilala, na hindi pa nasusubok ang katapatan.

       Ngunit bingi ako, lalo na ng makita ko siya duguan. Ang gusto ko lang masigurado na magiging ayos siya.

     Kakaiba siya sa mga babaeng nakilala ko. Sa mga babae dito sa Dapit-Hapon.

     Siya ang kauna-unahang babae nakilala ko wala takot na ipinapahayag ang opinyon niya. Ang kanyang  mga saloobin.

     Wala siyang takot na tumulong kahit na ikapahamak niya. Napatunayan ko iyon nang iligtas niya si Anita.

DayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon