Kabanata 40

25.4K 958 135
                                    

Marahil hindi gusto ni Bathala o ng kung sinoman na nasa itaas na magkaroon ako ng love life.

Bakit sa tuwing inaakala ko na ayos na saka naman magkakaroon ng aberya.

Inaamin ko hinihintay ko ang gabing ito. Sumagi sa isip ko na matatapos ang gabi na nasa mga bisig ako ni Drigo.

Ngunit imbes na ganon ang mangyari narito ako sa isang tago kwarto, kasama sina Winona, Tanya at Sena. Pati narin ang ilang mga babae Tagasilbi.

Sinugod ang palasyo. Sa pangunguna ni komander Marillo at Hipolito.

Paslangin ko na kaya sila. Sila kasi ang panira sa love life ko.

Oo paslangin na. Sang-ayon ni badass side.

Nakarinig kami ng pagsabog. Kasunod ay iyakan.

May ilang kawal na nagbabantay sa amin. Isa si Sena sa may hawak na espada.

May hawak din ako. Sa katunayan ayaw ko na narito. Ngunit mahigpit ang pagtutol ni Drigo na lumabas ako sa labanan. Kulang na lang, buhatin niya ako kanina dahil nagmatigas ako.

Hindi siya nagpatalo.

"Kung kailangan kita ikadena at ikulong sa loob ng isang silid gagawin ko Mary Rayette."

"Pero Drigo-,"

"Maawa ka sa akin Miss, gusto mo ba ako tuluyan na mawala sa katinuan? Hindi ko gusto maulit muli ang makita ka nakaratay sa higaan habang wala ako magawa. Mababaliw ako ng tuluyan, binibini."

Dahil ayoko naman na mabaliw ang taong mahal ko napilitan ako pumayag. Pero mukhang ako ang mababaliw sa pag-aalala. Lalo na kapag nakakarinig ako ng pagsabog at pagputok ng baril?

Labas ka na kasi. Gustong-gusto ko ng makipaglaban. Bulong ni badass side.

Hindi ako mapakali lumalalim ang gabi at mas lalong gumugulo sa labas.

Kumunot ang noo ko. Bukod sa ingay mula sa labanan hindi ko na naririnig ang mga bantay na kawal.

Nagsimula ako kutoban ng masama. Lumapit ako sa pinto nakiramdam. Wala pa bente segundo nakarinig ako ng singhapan sa likod.

Dalawang babae Tagapag-lingkod ang may hawak na espada at nakatutok sa amin.

"Anong ginagawa ninyo Elsa? Lara?" tanong ni Nanay Geneva.

"Walang personalan, Punong Tagapag-lingkod. Ang kailangan lang namin ay si binibini Tanya."

Nahihintakutan na napaatras si Tanya. Napakapit kay Winona na nasa tabi niya. Mabilis naman na pumuwesto sa harap niya si Sena.

"A-anong kailangan nyo sa akin?" bakas ang takot sa mukha na tanong ni Tanya.

"Ikaw ang anak ng Ikalawang-Tagapayo. Ikaw din ang magiging reyna. Ano sa tingin mo ang kailangan namin sayo."

Kumunot ang noo ko sa salitang REYNA.

Mas lalo itinaas ni Sena ang hawak na espada. "Subukan nyo kunin ang tinakda reyna, mamatay kayo dalawa."

Itinakda Reyna. Kumuyom ang kamao ko. Paasa ka talaga Drigo.

Tumawa ang dalawa babae. "Walang tutulong sa inyo. Tauhan na ng Komander ang mga nasa labas, kung sasama ka sa amin ng maayos, wala masasaktan."

"Se-sena," tawag ni Tanya. Mas lalo itong kumapit kay Winona.

Tinignan ako ni Lara. "Umalis ka sa pinto, Dayo. Kundi sasaktan ko ang itinakda reyna."

DayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon