Una ko naramdaman ay ang pananakit ng ulo. Nakapikit na kinapa ko iyon.
Iminulat ko ang mga mata ko.
Pamilyar ang kwarto. Tinignan ko ang kama.
Napabalikwas ako ng upo walang pakialam kahit bahagya umikot ang paningin ko.
“Anong ginagawa ko rito?”
Nasa kwarto ako ni Drigo!
Hindi ko matandaan kung paano ako napunta rito.
Kumunot ang noo ko. Ang huling naalala ko ay…
…ay hinalikan ako ni Drigo sa harap ng lahat pagkatapos niya sabihin na ako ang reyna niya.
Pagkatapos?
Pagkatapos. Shit did I passed out?
Oh shit hinimatay ako.
Napaface-palm ako. Nakakahiya ka Rayette.
Ngunit napaunat ako ulit ng upo ng maalala ko ang sinabi niya.
Ako raw ang reyna niya?
Bumukas ang pinto at inuluwa si Drigo.
“My queen, is awake," sa puso naman ako napahawak. Nag-english na naman siya.
Isinara nya ang pinto. Hindi nakaligtas sa pansin ko ang pagkandado niya roon.
“A-anong,” tumikhim ako. “Anong nangyari?”
Bakit kinakabahan ako?
Naupo sya sa gilid ng kama kaya bahagya ako napausod palayo.
Napansin nya iyon, ngumisi sya . Inilapit niya ng todo ang sarili sa akin.
“Bakit lumalayo ka, binibini?” nakangisi parin na tanong nya. Lumapit pa ng ilang pulgada ang mukha nya. Wala pakundangan na tinitigan niya ang labi ko.
Napakagat-labi ako. “Hi-hindi naman, lumayo ka kasi ng kaonti, kamahalan.” Hindi sya umimik. Tumikhim ulit ako. “Pwede bang lumayo ka maluwag naman ang kama.”
Imbes na lumayo. May sinabi sya na tuluyan nagpabigla sa akin.
“Mary Rayette, handa ka ba na pakasalan ako? Maging reyna ng buong kaharian na ito. Samahan ako maglingkod sa buong mamayanan ng Dapit-Hapon?”
Literal na nagulat ako, nalukot ko pa ang sapin ng kama niya.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na windang sa tanong nya bago ko magawa magsalita.
“B-bakit? Bakit gusto mo ako pakasalan, kamahalan?”
Napalitan ng masuyo ngiti ang ngisi ni Drigo.
Sinakop ng dalawang kamay nya ang mukha ko. “Gusto kita pakasalan kasi mahal kita, binibini. I love you. Mahal na mahal kita, Mary Rayette. " Hinalikan nya ang luha tumulo sa mga mata ko.
Shit, ni hindi ko namalayan na umiiyak na ako.
“Ikaw ang prinsesa ko. Ang reyna ng kaharian na ito. Ang liwanag ng mundo ko. Mary Rayette, pakasalan mo ako.”
"Ka-kahit ba dayo lang ako? Kahit hindi ako taga-rito? Kahit hindi ako kasing pino at yumi kumilos ni Tanya?"
"Kahit, dayo ka. Kahit ano pa ang ugali mayroon ka, mahal kita. Kaya papakasalan mo ako binibini."
BINABASA MO ANG
Dayo
FantasyDayo. Ako si Mary Rayette. Isang assassin. Assassin na napunta sa ibang mundo. Literally. Dayo. Ang masaklap pa nawalan ako ng memorya kaya kakapa-kapa ako sa mundo hindi ko naman alam kung totoo. Naisip ko nababaliw na ba ako, na baka isa lang...