Kabanata 25

24.8K 929 153
                                    

25.

     Masama ang tingin ko sa taling nakapulupot sa aking mga kamay.  Ang taling iyon ay nakakonekta sa kaliwang pulsuhan ni Drigo.

     Sakay kami ng mga kabayo namin. Ako sa kabayo ko, si Drigo kay lakas. Si Pedro at Erick sa kanilang kabayo.  Tanging si  Tanya, at Sena ang nakasakay sa kalesa, na minamaneho ni Benito.

     Sa mga unang oras ng paglalakbay namin papunta Talampas Nayon, hindi naman ako nakatali. Hinayaan kami ni Drigo na sumakay sa kanya-kanya namin kabayo.

     Bakit nakatali ako ngayon? Tinangka kasi namin ni Erick na tumakas. Hihiwalay sana kami sa kanila.

     Ano pa gagawin ko? Hindi ko naman sya kaya labanan. Ayoko magkasakitan kami sa pag-aagawan sa titulo.

      Kaya naman humiwalay kami ni Erick. Akala ko hahayaan kami ni Drigo, nasa kanya na ang  titulo diba.

     Ganon na lang ang gulat  ko ng hinabol nila kami. Sinubukan namin na lumayo pero sadyang mabilis si lakas bago pa man kami makapasok ng gubat ni Erick nadagit na ako ni Drigo at nailipat sa kabayo nya.

     "Ano pa ba kailangan mo, na saiyo na ang titulo Drigo, hayaan mo na kami.” Sabi ko habang tinatali nya ang dalawang kamay ko.

     “Nakalimutan mo na ba, ibinigay ka sa akin. Ang ibig sabihin non Binibini kahit saan ako magpunta, kahit saan ako makarating, gusto ko nasa tabi kita. Nakalimutan mo na yata ang sinabi ko, hinding-hindi ka na mawawala sa paningin ko Mary Rayette.” Nanlaki ang mga mata ko ng itali nya iyong dulo ng tali sa kaliwa nya pulsuhan, nang masigurado matibay ang pagkakakonekta ng dalawang tali saka nya lang ako inilipat sa kabayo ko. Inilagay nya sa mga kamay ko ang renda ng kabayo. “kapit ng mabuti, Binibini.”

     Kaya ito kami ngayon magkasabay ang mga kabayo. Nagtataka lang ako, bakit si Erick hindi itinali.

     Nagtatanong ka pa, eh ikaw ang alipin nya.

     Papadilim ng magsimula umulan, sa umpisa mahina ambon lang hanggang sa lumakas.

     Hindi gaano nababasa ang ulo ko dahil sa aking sumbrero, kabaliktaran sa katawan ko humahakab na ang damit sa balat. Magkaganon man hindi ako nagreklamo.

      Naramdaman ko ang pagsulyap ni Drigo na hindi ko pinansin.

     Gusto madaliin ni Drigo ang paglalakbay na ito. Oo nga naman, sigurado ako alam na ni Hipolito na wala ako at ang grupo ni Drigo. Sigurado din ako na alam na nito na wala na ang titulo.

     And sure na sure ako na nagwawala na ang Ginoo.

      Sigurado din na papatayin ka nya, tiyak paglalaruan ka, bago patayin. -sensible side.

     O, talaga, tignan natin.—badaas side.

     Huminto si Drigo, at dahil nakatali ako sa kanya wala ako nagawa kundi ang mapahinto din.

      “Dito na tayo magpalipas ng gabi.” Sabi niya.

     Pinagmasdan ko ang paligid. Tatlong kilometro pa bago ang susunod na bayan. Maputik  ang daan dahil sa pag-ulan na nagpabura sa mga bakas ng kabayo at kalesa. Pero saan dito kami magpapahinga? Sa loob ng gubat?

     Sa gubat nga, dahil ng muli pinatakbo ni Drigo ang kabayo doon nya iyon pinapunta.

      Muli kami huminto ng hindi na makapasok ang kalesa nina Tanya.

     Bumaba si Benito at naglabas ng dalawang payong para sa dalawang babae.

     Saan dito?

DayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon