19

24K 981 129
                                    

      Oras na ng pagbabalik ko kina Drigo.

      Hinihintay ko na lang si Crisanto at ang susundo sa akin.

     Nakaupo kami sa kahoy na upuan ni aling Imelda. Nagtatanggal ako ng mga tuyong dahon sa mga halaman nya na nasagilid ko ng dumating ang humahangos na si Crisanto.

     “Anak bakit ka humahangos?" Tanong  Aling Imelda. Ako naman ay napatayo.

     “Kailangan nyo umalis dito.” Sabi niya na tinulungan tumayo ang ina.

     “Ha?”

     “Binibini,  kailangan natin makalayo dito. Kailangan maibalik kita sa poder ni Drigo?”

     “Anong nangyayari ginoo?” taka tanong ko naman. Nababasa ko ang labis na pagkataranta at takot sa mukha niya.

     “Papunta na dito ang mga Tagapagparusa tinutugis nila ako.” Halos kaladkarin nya si Alimg Imelda. Napapasunod naman ako. Saka ko napansin na ang kulay puti nya damit ay puro dumi na, may mga sugat din sya.

     “Bakit ka nila tinutugis? Crisanto!”

     “Pinaparatangan nila ako ang namumuno sa Sandugo.” Nanlaki ang mga mata ko.

     Tinignan ako ni Crisanto.
“Kailangan kita maitago binibini. Hindi pwede mahuli ka kasama ko. Mananagot ako sa kanya kapag nasaktan ka.”

     Nakalabas na kami ng kubo. Iginaya nya kami papalayo sa kalsada at kagubatan nya kami dinaan.

     “Kanino ka mananagot?”

     “Sa Prin-,’ hindi na nya naituloy ang sinasabi ng matisod si aling Imelda at matumba.

     “Inay!” dali-dali namin sya tinulungan sa  pagtayo. Pero hindi pa man namin sya ganap na naitutuwid ng may tumama pana sa binti ni Crisanto .

     “Anak! Sigaw ni Aling Imelda.

     “Ginoo!” sa pagdalo ko sa kanya kasabay ay ang paglibot samin ng mga Tagapagparusa.

     “Nahuli na ang rebelde.” Sigaw ng isa. NAgsibaba sila.

     “Crisanto Talagtag, ang Pinuno ng Sandugo “ sabi ng isa Tagapagparusa na malaki ang katawan at semi kalbo. Mukha ito ang namumuno.

     “Hindi ko alam kung ano sinasabi nyo?” kahit nasasaktan at nahihirapan, matapang pa din na sinalubong ni Crisanto ang tingin ng Tagapagparusa. Pilit nya ako itinatago sa likod nya habang inaalalayan ko na naman si Aling Imelda.

     “Huwag ka ng magkaila. Marami kami matitibay na mga katibayan na ikaw ang Pinuno ng Sandugo.”

     Hindi kaagad nagsalita si Crisanto.

      Napatili kami ni Aling Imelda ng hablutin sya ng Tagapagparusa at pilit na pinaluhod. Hinawakan sya ng dalawa sa magkabilang braso, bago malakas na hinagupit ng latigo sa likod.

     “Anong ginagawa nyo, tama na!” sigaw ko na akto dadaluhan si Crisanto pero pinigilan ako ng isa Tagapagparusa. Sunod-sunod na hagupit sa likod ang ibinigay nila sa binata, hanggang sa mapunit ang damit likod nito .

     Si Aling Imelda sa labis na awa at pagnanais na tulungan ang anak nagawa makawala sa pagkakahawak at tumakbo patungo sa binata. Nasalo niya ang isa hagupit na dapat sana ay kay Crisanto.

     “Inay!” napaluhod at napakapit ang babae sa katawan ng anak.

     Hinablot ng Pinuno ng Tagapagparusa si Aling Imelda.

DayoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon