32.
Walang nagawa si Mang Delfin, kundi pumayag na ikasal si Winona, kay Ejercito. Lalo pa't umamin na si Winona na buntis siya.
Katakot-takot na pasasalamat ang natanggap ko sa magkasintahan.
“Maraming-maraming salamat Binibini. Napakalaki ng itinulong mo sa amin. Nahihiya tuloy kami dahil hindi ka namin pinansin sa mga nakalipas na araw.”
Talaga palang hindi nila ako pinapansin. Inutos ba? Nino? Ni Drigo?
"Ang sabi kasi ni binibini Tanya, isa ka bayarang mamatay tao, napakababa uri. Hindi kami dapat nakikipaglapit sayo." Pinunasan nya ang dugo sa gilid ng labi ni Ejercito na nakahiga sa papag habang ginamot namin ang mga sugat.
Nasa kubo kami ng binata.
At pinayagan iyon ni Drigo?
May napansin si Winona sa mukha ko kaya mabilis nyang idinugtong ang mga katagang...
"Walang alam ang pinuno. Hindi niya alam ang utos na bigay ni binibini Tanya."
Isang tipid na ngiti ang sagot ko sa sinabi niya.
“Iyong pagtulong ko sa inyo, wala iyon. Hindi ko lang talaga matiis kung bakit ganito ang sistema nyo dito.”
“Napakatapang mo binibini. Hindi ka natatakot na sabihin kung ano ang nararamdaman mo. Hindi ka natatakot na tumulong kahit alam mo malalagay sa peligro ang buhay mo. Kaya naiinggit sayo si Sena at binibini Tanya."
Nagulat ako. Naiinggit sa akin ang dalawa? Bakit?
"Tama si Winona. Matapang ka binibini. Bagay na bagay sa pinuno," sabi ni Ejercito na naupo na. Hinawakan nya ang kamay ni Winona.
Hindi nga ako pinapansin ng pinuno Drigo eh.
Wala parin ako maisagot kundi alanganin na ngiti. "Huwag nyo na ako tawagin binibini, Rayette na lang tulad ng dati."Sabay na nanlaki ang mga mata nila.
"Hindi maaari binibini, mapapagalitan kami ng pinuno," mabilis na tanggi ni Ejercito.
"Bakit?"
Nagtinginan ang magkasintahan pero hindi sila sumagot. Hindi ko naman sila pinilit.
“Mabuti pa matulog na kayo. Kasal nyo bukas dapat maganda at gwapo kayo.”Gusto ni Mang Delfin, makasal kaagad ang dalawa. Nagulat ako kasi bukas na kaagad. Sabi nila si Drigo ang nakipag-usap at nagpaayos ng mga papeles.
"Bawal din sa baby ang nagpupuyat. Kaya magpahinga na kayong dalawa.
“Baby?” sila dalawa.
Natawa ako ipinatong ang mga paa sa bangkong kinauupuan.
“Baby ang english ng sanggol sa amin.”
“B-beybi," ulit ni Winona,hinaplos ang tyan nya. Gumaya rin si Ejercito.
Malamlam ako napangiti habang tinitignan sila.
Nagflash sa isip ko na isa akong buntis at hinahaplos ni Drigo ang tyan ko.
Oppss! Teka preno muna. Sobra advance nyan. Ang dami mo tinalunan, saway kaagad ni sensible side.
Hinatiran sila ng pagkain ni Nanay Geneva. Tinanong nya rin ako kung kumain na ako. Ngumiti ako.
"Mas gusto ko po magpahinga muna, Nay," muli ako nagpaalam sa magkasintahan, pati narin kay Nanay Geneva.
BINABASA MO ANG
Dayo
FantasyDayo. Ako si Mary Rayette. Isang assassin. Assassin na napunta sa ibang mundo. Literally. Dayo. Ang masaklap pa nawalan ako ng memorya kaya kakapa-kapa ako sa mundo hindi ko naman alam kung totoo. Naisip ko nababaliw na ba ako, na baka isa lang...