Ika-lima araw, hindi pa ako bumabalik sa Dapit-Hapon simula ng araw na iyon.
Kahit ako naiinis ako sa sarili ko. Una gustong-gusto ko bumalik sa Dapit-Hapon, nang makabalik naman ako iniwasan ko naman ang taong dahilan kung bakit gusto ko bumalik.
Patiwakal ka na, magulo ka eh. Asar na sabi ni sensible side.
Tinatamad ako pumasok nitong mga huling araw, wala naman ako ginawa kundi tumunganga sa pader o di kaya ay umiyak.
Sa tanang buhay ko ngayon lang ako na depress ng ganito.
Bagsak ang balikat na lumabas ako ng kwarto ko.
Naka-white sando lang ako at pajama kulay yellow green.
Dere-deretso ako sa kusina para magtimpla ng kape.
Nakatulala pa ako sa bintana habang nagtitimpla. Itinaas ko ang tasa para humigop ng makarinig ako mg malakas na lagabog mula sa likod ko.
Napaharap ako at literal na naibuga ko ang ininom ko kape ng makita ko ang dahilan ng ingay.
Nakatayo lang naman ang hari ng Dapit-Hapon sa may sala ko. May kalakihan ang condo ko pero walang partisyon ang kitchen, dining area at living area. Kaya kitang-kita ko sya. Pati narin sina Pedro, Sena, Ejercito na pangko pa ang asawa si Winona.
Napako yata ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kanila. Sobra depress ko na ba at nakikita ko sila ngayon dito?
"Ito pala ang tahanan mo rito," natauhan lang ako ng magsalita si Drigo.
"A-anong ginagawa nyo rito? Paano?" hindi parin makapaniwala na tanong ko.
"Nagpatulong kami kay Tandang Mariya na makarating dito sa mundo mo binibini." Sagot ni Pedro.
Napakurap-kurap ako. Totoo ba o imahinasyon ko lang?
Lumapit si Drigo sa akin. Napaatras ako hanggang sa mapasandal ako ref.
"Totoo na naandito kami, binibini," sabi niya na nakakunot ang noo at naglalakbay ang tingin mula sa mukha ko pababa.
"At hindi ko gusto na nakikita ka nila sa ganyang ayos."
Sa gilid ng mga mata ko. Nakita ko ang pagtalikod ng mga lalaki habang ang mga babae naman ay nag-iwas ng tingin.
Nag-init ang aking mukha dahil ang mga mata ni Drigo ay nakatutok sa dibdib ko. At wala akong suot na bra!
Alam ko at sigurado ako aninag na aninag nya ang hinaharap ko.
"Magpalit ka ng kasuotan Mary Rayette," utos ni Drigo. Nabasa ko ang init sa kanya mga mata.
Ibinigay ko sa kanya ang hawak ko kape at itinakip ko ang mga braso ko sa akin dibdib.
"Ah, feel at home guys, balikan ko kayo," saka ako mabilis na tumalilis papunta sa kwarto ko.
Sumandal ako sa pinto ng makapasok.
Sinampal-sampal ko ang mukha ko. At dahil nasaktan ako. Sigurado na ako na hindi ako nanaginip lang. May nga taga Dapit-Hapon sa condo. Naandito sila sa mundo ko!
Mabilis ako naghilamos at nagpalit. Maong short na dati pantalon na ginupit ko lang hanggang sa umabot sa kalahati ng aking hita at pink v-neck tshirt na may kaluwagan ang sinuot ko.
Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pinto at lumabas.
At ang mga oras na lumipas ay sobrang nakakaaliw.
Tuwang-tuwa sila sa mga bagay na mayroon dito at wala sa mundo nila. Hindi kalakihan ang condo ko pero parang nag-outing kami ng i-tour ko sila.
Pinaglaruan ni Pedro ang switch ng ilaw. Pagkatapos ay sa mini gym ko siya napadpad at sinubukan lahat ng gamit ko doon. Isang oras naman na nagshower si Sena. After maligo pinakialaman naman niya ang make-up kit ko. Gusto ko sana sabihin na 'feeling close teh', kaso natutuwa naman ako sa mga reaksyon at ekspresyon nya.
BINABASA MO ANG
Dayo
FantasyDayo. Ako si Mary Rayette. Isang assassin. Assassin na napunta sa ibang mundo. Literally. Dayo. Ang masaklap pa nawalan ako ng memorya kaya kakapa-kapa ako sa mundo hindi ko naman alam kung totoo. Naisip ko nababaliw na ba ako, na baka isa lang...