30.
"Lahat ng ginagawa ko, lahat ng pinaglalaban ko hindi lang para sakin, hindi na lang para sa pamilya ko, hindi na lang para sa Dapit-Hapon, kundi para sayo na rin binibini."
Yumuko sya at siniksik ang mukha sa leeg ko. "Bago ka pa dumating, napapagod na ako. Napapagod na ako makipaglaban. Napapagod na ako, pero kailangan ko magpatuloy dahil hindi ako pwede bumitaw. Marami umaasa, marami naghihintay. Pagod na pagod na ako Rayette."
Damang-dama ko sa tinig nya ang pagkapagod.
Kusang kumilos ang mga kamay ko payakap sa kanya. Hinaplos ang buhok nya.
"Hanggang sa dumating ka." Dumeretso sya at tinignan ako ng deretso sa mga mata.
"Ikaw na ang lakas ko, kung paano ikaw din ang kahinaan ko. Lakas, dahil muli ako nagkaroon ng dahilan na ipagpatuloy ang lahat ng ito. Ikaw ang kahinaan ko dahil kapag may nangyari masama sayo, alam ko guguho ako. Naiintindihan mo ba binibini? Guguho ako? Tulad ng pagguho ko ng makuha ka ng mga Tagapagparusa."
Binitawan nya ako nagpalakad-lakad sya sa harap ko. "Halos mabaliw ako Mary Rayette, nang hindi kita maabutan. Galit na galit ako. Ilang araw na hindi ako malapitan ng mga nasasakupan ko, dahil kahit sila nadadamay sa galit ko. Ilang Tagapagparusa ang napatay ko, ilang tao ang pinarusahan ko. Nawawala ang buhay ko, lahat ng haharang sa akin para makita ka handa ko parusahan at patayin Mary Rayette."
Huminto sya at tinignan ako. Hindi ako makahinga, hindi man nya sabihin na mahal nya ako iyon na rin ang pagkakaintindi ko. "Drigo."
Huminto sya, muli lumapit sa akin at yumakap."Marami pa ako hindi sinasabi pero sana pagkatiwalaan mo ako. Hindi kita pinaglalaruan. Hindi kita niloloko. Walang sinoman ang babaeng may hawak sa akin kundi ikaw lang Rayette. Wala ng iba."
Happiness filled me. Muling tumulo ang luha sa mga mata ko.
Mabilis nya pinunasan iyon. "Totoo ba iyan Rodrigo? O gino-goodtime mo ako?"
He smirked. "Hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng goodtime binibini." Hinalikan nya ang tungki ng ilong ko. "Totoo binibini. Bilang patunay," naramdaman ko may isinuot sya sa kaliwang kamay ko.
Tinignan ko iyon ganon na lang ang panlalaki ng mga mata ko. "Ang gintong itim na pulseras." Iyong may buhol na desenoyo.
Hindi makapaniwala na tinignan ko sya. "Iyan ang pagpapatunay na akin ka Mary Rayette."
Wala sa loob na hinaplos ko ang bracelet. "Maligayang Araw ng mga Bathala binibini ko." Muli niya ako hinalikan. Para lang muli humiwalay. "Hindi ko gusto umiinom ka ng alak na wala ako sa tabi mo Mary Rayette."
"Ha?" lasing pa ako sa halik nya kaya hindi ko naintindihan iyon.
Tumawa naman sya dahil sa tila tanga kong reaksyon. "Di bale na, sisiguraduhin ko na lang na lagi ako nasa tabi mo kapag iinom ka." He hugged me again.
Pumikit naman ako. Pinatong ang pisngi sa dibdib nya. Totoo ba ito? O panaginip lang? Hindi kaya dahil lasing lang ako kung kaya kung ano-no na ang ini-imagine ko?
Kumalas sa sa pagkakayakap sa akin at tinignan ako ulit. "Hindi mo pa ba ibibigay sa akin ang regalo ko?"
Nagulat ako, alam nya talaga na may ibibigay ako sa kanya? "Paano mo nalaman?"Hinalikan nya muna ang noo ko bago sumagot.
BINABASA MO ANG
Dayo
FantasyDayo. Ako si Mary Rayette. Isang assassin. Assassin na napunta sa ibang mundo. Literally. Dayo. Ang masaklap pa nawalan ako ng memorya kaya kakapa-kapa ako sa mundo hindi ko naman alam kung totoo. Naisip ko nababaliw na ba ako, na baka isa lang...
