17.
Hindi ko alam kung ilang araw na ako dito sa madilim na lugar na ito.
Hindi ko rin naman binibilang.
Ang alam ko lang halos mabaliw na ako sa sobra tahimik at dilim.
Hinahatiran naman nila ako ng pagkain dito, pero hindi ng pamalit na damit.Mabaho ang kulungan dahil dito ako umiihi at dumudumi.
Daig ko pa ang na bartolina.
Huminto na ako sa pag-iyak, naubos na yata ang luha ko.
Ang hindi maubos ay ang mga tanong. Ang nangyari ito ay nakadagdag pa sa napakarami tanong.
Wala ako maintindihan sa mga nangyari. Bakit naging ganon ang trato sa akin ni Drigo?
Hindi ako makapag-isip. Kahit ang mga boses sa isip ko tahimik. Shock din yata sa mga naganap.
Nakasandal ako sa pader habang nakaupo sa sahig at nakapikit ng makarinig ako ng mga yabag.
“Binibini.” Tawag sa akin ni Pedro.
Nagmulat ako ng mga mata. Madali ko sya nakita dahil nasanay na ang mga mata ko sa dilim dito.“Pwede ka ng lumabas.’
Hindi ako nagsalita. Tumayo ako at tahimik na hinintay ang pagbukas ng selda.Paglabas ko may ibinalabal sya sa akin na makapal na tela bago nya ako iginiya palabas.
Napapikit ako sa unang beses na pagtama sa akin ng sikat ng araw.
Huminga ng malalim at ninamnam ang sariwang hangin na nalalanghap ko. Nang magmulat ako ng mga mata nakita ko ang grupo ko na hinihintay ang paglabas ko.
“Pinuno.” Sigaw ni Arturo na tumakbo papalapit sa akin. “Teka lang huwag mun kayo lumapit ang baho ko.” Natatawa ko sabi.
“Pinuno,” nasabi na lang ni Arturo halata ang pagkaawa sa tinig.
Baka nandidiri.
Sa itsura ko na madungis, nangangalumata dahil hindi naman ako nakatulog sa loob kahit na saglit at namumutla sigurado ako nakakatakot ang itsura ko.
“A-ayos ka lang ba pinuno?” tanong ni Gaston.
“Oo naman.” Sinabayan ko ng tango iyon. “Hindi naman nila ako sinaktan doon sa loob kaya okay lang ako.”
“Ineng,” napatingin ako kay Nanay Geneva na lumapit din. Bakas na bakas ang pagkaawa sa boses nya.
“Nay, na miss kopo kayo. Gusto ko sana kayo yakapin kaso ang dumi at ang baho ko.” Humagikhik ako.
Walang sumabay sa akin. Ako lang yata ang masaya sa mga oras na ito.“Pwede ba kita makausap ?” Tanong nya. Gusto ko sana sabihin na ayaw ko, mas gusto ko maligo pero nanaig ang pagiging magalang ko at tumango.
Habang naglalakad kami papunta sa mga kubo halos lahat ng kilala ko dito ay nasa labas at pinapanood ako. Parang gusto ko tuloy na iaangat ang isa kamay o at kumaway.
Iyon nga lang iika-ika ako dahil sa nasaktan ko paa. Kaya beauty queen na kinulang sa tulog at pilay ang kakalabasan ko.
Nasa loob na kami village at malapit na sa kubo tinutuluyan ko ng makita ko sya nakatayo.
Naandon sya sa labas ng kubol kung saan madalas sila magmi-meeting. Nasa kanan nya, si Sena, Winona at Trina, habang sa kaliwa si Ejercito at Benito. Kompleto sana ang tropa kung wala lang si Pedro sa likod ko at nakasunod sa akin.
BINABASA MO ANG
Dayo
FantasyDayo. Ako si Mary Rayette. Isang assassin. Assassin na napunta sa ibang mundo. Literally. Dayo. Ang masaklap pa nawalan ako ng memorya kaya kakapa-kapa ako sa mundo hindi ko naman alam kung totoo. Naisip ko nababaliw na ba ako, na baka isa lang...