9.
Pinagmasdan ko ang dalagita iyak ng iyak at pilit na pinapatahan ni Nanay Geneva. Mula nang magkamalay sya hindi pa sya tumitigil sa pag-iyak..
Kahit ano gawin ng mga babae na andito hindi siya tumatahan.
“Ineng, ligtas ka dito hindi ka nila maaabot dito.”
Nasa pinakamalaki kami kubo. Madilim na, tanging liwanag na lang na galing sa mga kasera nagkalat ang nagpapaliwanag sa paligid.
Umiling ang dalagita Anita ang pangalan.
“Ma-madungis na ako. Hindi na ako tatanggapin na Tagasilbi sa palasyo. Ipapadala nila ako sa bahay aliwan." Umiiyak na sabi ni Anita. May mga sugat siya, puro tapal ng dahon ang braso, leeg at kanang pisngi.
Nagtaka naman ako sa sinabi niya.
Palasyo? Tagasilbi? Bahay-aliwan?
Katahimikan ang sumunod pagkatapos sabihin iyon ni Anita walang komontra sa mga sinabi niya.
“Anong ibig nya sabihin?” hindi na ko nakatiis. Kunot noo tinignan nila ako na para bang nakakabobo ang tanong ko.
Siguro nabasa nila seryoso ako sa tanong ko dahil may sumagot.
“Ang mga babae nadungisan ang puri, nahawakan at nahalikan ng hindi nya kasintahan ay dalawa lang ang kinababagsakan.” Si Trina. "Kailangan sya panagutan ng lalaki gumawa non sa kanya o dadalhin sya sa Bahay-aliwan para maging babae tagabigay ng aliw.”
Nanlalaki ang mga mata ko. Napatayo mula sa pagkakaupo sa sulok. Ramdam ko ang titig ni Drigo sa akin na nakasandal sa dingding na kubo at tahimik lang. Actually kanina pa iyon hindi ko lang sinasalubong dahil hanggang ngayon namumula parin ako kapag naaala ko ang ginawa nya paghalik sa akin.
Hindi halik iyon gaga nakatakip kaya iyong labi niya. Kontra ni sensible side.
Halik parin iyon. Hinalikan ako ni Drigo. Pumalakpak at humagikhik naman si flirty side.
“No way. Ang ibig nyo sabihin kailangan natin isuko ang batang ito sa Bahay-aliwan na sinasabi nyo para magbigay ng aliw sa mga lalaki?" Nang tumango si Nanay Geneva di ko napigilan na mapamura, “Thats bullshit.” napapitlag sila dahil medyo tumaas ang tono ko. “Para saan pa na niligtas natin sya kung ganon din pala ang resulta.”
“Iyan ang nakalagay sa batas.”
Batas? Anong klase batas yan?
“Batas? Sino ang nagpatupad ng batas na iyan sasapakin ko.” Malakas na nagsinghapan ang mga babae naroon. Nanlaki ang mga mata ng mga lalaki habang napaunat naman si Drigo.
“Anong sinabi mo?” gulat na tanong ni Winona. "Alam mo bang magbanta lang sa hari ay kamatayan na ang parusa.”
Kung sila gulat ako naman napatanga. “H-hari?” ilan beses ko na narinig ang salita iyan dito with prinsepe at palasyo pa akala ko iba ang kahulugan nila sa mga salitang iyon. Iyon pala literal na hari, prinsepe at palasyo ang naandito. napakurap-kurap ako.
Naisuklay ko ang kamay ko sa aking buhok. “Geez nakakabaliw talaga. Batas, palasyo at hari? Kulang nalang reyna, prinsesa, mangkukulam at diwata complete casting na para sa isang palabas na fantasy ang genre.”
“A-ayos ka lang ba binibini?” Tanong ni Pedro sa akin.Umiling ako. Huminga ng malalim.
“Lets take it slow. Uulitin ko. Ang sabi nyo kailangan natin ibigay sa Bahay-aliwan ang batang ito dahil hinawakan sya ng mga lalaki. Pwede hindi sya dalhin kung papanagutan sya ng mga lalaki iyon. Lahat ba? O kahit isa lang kanila? Iyan ang batas nyo na ang Hari ang nagpatupad. At may batas din na kapag nagsalita ka ng panget o pinagbantaan mo ang Hari ay paparusahan ka ng kamatayan. Tama ba ako ng pagkakaintindi?”

BINABASA MO ANG
Dayo
FantasyDayo. Ako si Mary Rayette. Isang assassin. Assassin na napunta sa ibang mundo. Literally. Dayo. Ang masaklap pa nawalan ako ng memorya kaya kakapa-kapa ako sa mundo hindi ko naman alam kung totoo. Naisip ko nababaliw na ba ako, na baka isa lang...