27.
“Pero hindi ko kailangan sumama sa kanila Apo Temyo.” Matigas na tanggi ko, habang nasa loob ng kubo at kausap ang Apo.
Nandito din si Drigo, si Tanya at si Pedro.
Pinangunahan na nina Sena, Benito at Ejercito ang pagbabalik sa bayan ng Liwayway. Nagtaka pa ako kung bakit naiwan sina Drigo at ang ilan pa sa grupo niya. Iyon pala dahil hinihintay nila si Apo na nag-dadasal sa maliit na templo ng mga oras na iyon. Nang lumabas ang matanda, nag-usap muna sina Drigo, kasama si Tanya bago pinatawag ako. Si Pedro na hindi umalis sa tabi, o di kaya ay minamatyagan ako ay sumunod din.
Kinausap ni Drigo si Apo tungkol sa pagsama ko sa kanya. Ang pagbabalik ko sa Liwayway. Alam ko naman dapat talaga ako sumunod dahil alipin na nga ako ng grupo nya. Pero hindi pa ako sumusumpa ng katapatan. Wala pa din papeles na nagsasabi ako nga ay alipin nya.
Ang alam ko, ang hawak nyang papel ay ang kasulatan na ibinigay ni Hipolito na nagsasabi alipin nya ako. Isa iyon sa mga nagpapatunay mula sa pagiging tauhan nito, binibigay nya na ako kay Drigo.
“Rayette, sa tabi ni Drigo ang lugar mo. Mula ng lumapat ang paa mo dito sa Dapit-Hapon, ang lugar mo ay kung nasaan si Rodrigo.”
Natigilan ako, sinabi ko kay Apo na hindi ako galing dito sa mundo nila.
Bakit nya nasabi dapat sa tabi lang ako ni Drigo?
“Pero Apo, paano kayo? Si Hipolito? Sigurado hindi papayag iyon na ganito lang. Gaganti sya. Babalikan nila ang tribo. Ayoko iwan kayo dito.” Pagmamatigas ko.
Ngumiti ang Apo sakin, inabot ang kamay ko.
“Mula ng makilala kita puro pagtulong na ang ginawa mo Rayette. Bawat segundo, minuto at oras may nagagawa ka sa amin. Hindi ang pagiging isang mandirigma ng tribo ang papel mo sa mundo ito Rayette.” Sinulyapan niya si Drigo, pagkuway ibinalik ang tingin sa akin. “Ipanatag mo ang loob mo, hindi kami papabayaan ni Drigo, mag-iiwan sya ng mga tao dito para tulungan kami kung sakali babalik si Hipolito. Bukod pa na sya ang pinag-ingat ko ng titulo.”
Lumipad ang tingin ko kay Drigo na nakatingin sakin.
Wala na ako nagawa, kundi ang magpaalam. Labag man sa loob ko sasama ako kina Drigo pabalik.
“Mag-ingat ka Raye.” Sabi ni Erick na may benda pa sa balikat. Nasa tarangkahan na kami ng Talampas Nayon at paalis na. Isinuot nya sakin ang isang kwintas. Ang necklace ay gawa sa nylon at may palawit na bato kulay asul. “Suotin mo ito lagi, pinabasbasan ko iyan, ilalayo ka nyan sa kapahamakan, o kundi man ay proprotektahan ka.” Hinawakan ko ang bato.
“Ikaw din mag-ingat ka. Alagaan mo at protektahan ang apo.” Niyakap ko sya sa labis nagulat nya. Isa si Erick sa mga tao naging close ko dito. Sya ang kasama ko sa bawat mahihirap na misyon na binigay ni Hipolito sa akin. Halos kapatid na ang turingan namin dalawa.
Mabilis nya din ako niyakap at tinapik sa balikat. “Mag-ingat ka. At kung pwede Rayette, kumalas ka na. Ramdam ko ang matatalim na tingin sakin ni pinuno Drigo mo?” bulong nya?
Ano daw?
“Tila malaki ang pagkakagusto nya sayo.” Dagdag pa ni Erick.
Kumalas ako at pasimple tumingin sa kay Drigo.
Salubong nga ang mga kilay niya, nakatiim bagang pero hindi sa amin nakatingin.
Imbento 'to si Erick.
“Wala ah, may kasintahan na yan di ba.” Simple sabi ko.
Tahimik ako nakasakay sa kabayo ko, binabagtas na namin ang daan papunta sa bayan Liwayway. Pansin ko hindi nagmamadali sina Drigo kaya relax lang din ang pangangabayo ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/151292929-288-k727162.jpg)
BINABASA MO ANG
Dayo
FantasyDayo. Ako si Mary Rayette. Isang assassin. Assassin na napunta sa ibang mundo. Literally. Dayo. Ang masaklap pa nawalan ako ng memorya kaya kakapa-kapa ako sa mundo hindi ko naman alam kung totoo. Naisip ko nababaliw na ba ako, na baka isa lang...