15.
Daig ko pa ang binabarena ang ulo ng magising. Shit Mas malakas talaga ang tama ng serbesa na iyan kesa sa alak sa amin.
Napaungol ako ng sa bigla ko pagkilos parang hinampas ng sampu bato ang ulo ko. Umakyat din yata ang bituka ko papuntang lalamunan. Shit hindi na ako iinom.
Yeah right. Uyam ni sensible side. Hindi naniniwala.
“Oh goodness.” Napapikit ako ng mariin ng parang lumindol. Pinapanalangin ko na mamatay na ako ng may narinig ako katok sa pinto. At ang ingay na likha non ay lalong nagpasakit sa ulo ko.
“Go away.” Ungol ko. At dahil hindi naman ako naintindihan ng kung sino nasa labas bumukas ang pinto. Sa susunod magla-lock na talaga ako.
Hindi ako nagmulat ng mga mata. Nakabaluktot ako habang may takip na unan sa ulo.
“Masama ba ang pakiramdam mo Mary Rayette?” Nanigas ako bigla. Napigil ko ang hininga. Please Sana hindi sya.
“May dala ako sabaw mainam ito gamot para sa epekto ng serbesa.”
Napakagat-labi ako. Shit si Drigo nga.
“Si-sige. Pakilagay na lang dyan.”
Hinintay ko lumabas sya. Saka ako kikilos kapag nakalabas na sya sa kwarto ko. Pero ang siste imbes na umalis naramdaman ko ang magaan na pagdampi ng kamay nya sa gilid ko.“Ay kabayo.” Napabalikwas ako ng upo dahilan para mas tumindi ang sakit na nararamdaman ko. Mas lalo din umalog ang mundo ko.
Napaungol ako. Muli sana hihiga ulit pero mabilis nya ako hinawakan sa balikat at hinila ang katawan ko pahilig sa kanya.
Hindi ko pinansin ang pagdikit ng katawan namin. Ang konsentrasyon ko ay ang pagpigil na huwag ilabas sa kanya ang laman ng sikmura ko.
Umayos ka Rayette huwag mo susukahan si pogi nakakahiya! Tili ni flirty side ko.
“Masakit ba ang ulo mo?” ungol ang sagot ko sa tanong nya.
Dahan-dahan nya ako inilayo sa kanya. Salubong ang kilay ko dahil kahit ang liwanag ay nagdudulot ng sakit sa aking ulo.
Tumaas ang kamay nya papunta sa noo ko at minasahe iyon.
“Bakit ka kasi uminom Binibini ko. Malakas ang tama ng serbesa. Dapat ay katas ng ubas lang ang pinainom sayo.”
Umungol ako bahagya nakadama ng ginhawa dahil sa paghilot nya.
“At uminom ka ng hindi man lang kumakain Binibini. Talaga mas matindi ang epekto niyon.”
“Ka-Kaya ko naman.” Sabi ko kahit na nga gusto ko ng mawalan ng malay dahil sa sama ng pakiramdam. Kaya daw kaya pala para ka nang mawawalan ng malay dyan. Sabi ni sensible side na napapailing pa. Wala man lang malasakit sakin.
“Talaga?” tanong nya na bakas ang ngiti sa tinig. Hindi ko nakita kasi napapapikit ako sa ginawa nya.
Great pinagtatawanan na naman nya ako.
Pinilit ko lumayo sa kanya habang minumulat ang mga mata.
“L-ligo lang ang katapat nito saka kape.” Sabi ko. Umiwas ako ng tingin. Nakakatunaw na naman ang mga titig nya.
Bakit ba nakatitig na naman sya?
Mayamaya inabot nya iyong sabaw na nakalagay sa mangkok na kulay puti. Kumutsara doon. At dahil mainit hinipan nya iyon bago inilapit sa bibig ko.

BINABASA MO ANG
Dayo
FantasyDayo. Ako si Mary Rayette. Isang assassin. Assassin na napunta sa ibang mundo. Literally. Dayo. Ang masaklap pa nawalan ako ng memorya kaya kakapa-kapa ako sa mundo hindi ko naman alam kung totoo. Naisip ko nababaliw na ba ako, na baka isa lang...