CHAPTER FIVE
Le Viste Amusement Park
TIME: 5:31 PM"SIGURADO PO KAYONG matagal na no'ng huling bumalik ang babaeng 'to rito, Manong?" tanong ni Xavier sa isang lalaking nagwawalis ng kalat sa pinakaentrada ng amusement park. Napatingin ako sa araw at bahagyang napangiwi nang nagiging masakit na sa balat ang sinag nito.
"Hindi ho talaga 'eh." Tugon muli ng lalaki. May katandaan na ito dahil sa mga kulubot nitong balat at medyo may pagkabagal na pagkilos.
"Mag-isa lang po ba kayong naglilinis rito? Ang laki ho ng Amusement park na 'to, ah." Tanong ni Xavier sa matanda nang mapatingin ito sa loob.
"O-Oo, Hijo. A-Ako na lang nga." Tugon ng matanda.
"Ganoon ho ba? 'Eh gaano n'yo ho pala nalilinis ito?"
"Kung 'di ako aatakihin ng rayuma, kaya kong tapusin ng dalawang araw." Tugon ng matanda.
"Ah so, ibig sabihin, magsisimula palang ho kayo?"
Tumango muli ang matanda. "Oo, may sakit kasi ako kahapon kaya ngayon lang ako makakapaglinis. Tapos... dumating kayo."
Nilapitan ko silang dalawa para sumingit ng tanong dahil nalilhis na ang tanong ni Xavier sa pinunta nila rito. "Wala ho ba kayong natatandaan na kahit anong kakaibang nangyari sa lugar na ito noon? Siguro mga sampung taon na ang nakakaraan?" segunda ko ng tanong.
Doon na naging balisa ang matandang nagwawalis at hindi na makatingin sa'min ng diretso. "W-Wala ho mga Ser. Pasensya na."
Sinungaling. May alam ito. I was about to ask him again when Xavier stopped me and made a gesture to halt. Naintindihan ko naman agad ang gusto nitong ipahiwatig. Masyado nang matanda si tatay para pilitin naming magsalita. And upon knowing myself, If I want to torture someone so I can get the information that I want to get, I'll do it without any remorse.
"'Eh ang pamilyang Le Viste ho, Manong? Alam n'yo ho ba kung sa'n sila nakatira rito sa isla? Napag-alaman ho kasi namin na dito raw ang Ancestral house nila. Kaso ang mismong pamilya ho ay nasa ibang bansa na. Alam n'yo ho ba kung sa'n 'yon banda? Baka ho kasi may makita kaming katiwala na pupwede naming mapagtanungan. Kailangan ko na ho kasi talagang makita ang asawa ko." Untag ni Xavier sa matanda.
Tumigil si Manong sa pagwawalis at hinarap kami na may hirap na ekspresyon sa mukha. "Tama ka Hijo na wala na sila sa islang 'to. Lahat sila ay nanirahan na sa ibang bansa matapos mapag-alamanang isinumpa raw ang lugar na 'to." Tapos ay pinasadahan ng matanda ang naturang Amusement park na hindi na nag-o-operate. Para nalang itong isang haunted park kung titingnan. "Yung bahay naman nila rito ay pinagiba nalang nila. Kaya pasensya na kung 'di ko kayo matutulungan mga, Hijo."
Mabilis na kumaripas ng alis ang matanda at kitang kita sa mukha nito ang takot sa aming dalawa.
"We need to make him talk," Seryoso kong untag kay Xavier habang nakatingin pa rin sa matanda.
BINABASA MO ANG
Royal Synergy: Battle of Apollo
Action[READ THE 1ST PART BEFORE YOU START THIS!] Royal Synergy Part 2: The Battle of Apollo The search for the Queen of Death has been the major goal of Evo and Xavier for the past three years. They need to make it fast this time as the Privus Trata- the...