[READ THE 1ST PART BEFORE YOU START THIS!]
Royal Synergy Part 2: The Battle of Apollo
The search for the Queen of Death has been the major goal of Evo and Xavier for the past three years. They need to make it fast this time as the Privus Trata- the...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Chapter Nine
"BAKIT TAYO NAG-AAKSAYA ng oras para sa mga kalokohang sinabi nila? Huwag mong sabihin sa'kin, Xavier, na kinokonsidera mo ang offer nilang makipag-alyansa?" Nanggagalaiting tanong ni Evo sa'kin nang makarating kami sa Airport. Wala na rin namang rason para magtago pa o 'di kaya ay sumakay ng bapor kung alam ng Privus ang ginagawa namin.
"You just have to believe their story, Evo." Pagod kong tugon sa kanya. Kanina pa namin 'to pinag-uusapan at 'di ko alam kung ayaw niya bang intindihin man lang ang sinabi ko o sadyang sarado na ang utak nito.
"Ano ba ang kapani-paniwala do'n? Anakng! May dalawang Queen ang nakakulong sa Apollo? That's plainly bullshit, man! They're just creating stories para ma-divert tayo sa paghahanap sa Anastasia Graham na 'yon!" Bulyaw niya sa'kin.
Napahilot ako ng aking sentido dahil sa galit na binubulanghit nitong gagong 'to. Pasalamat 'to at nasa VIP lounge area kami nilagay ng mga kinontak kong tao para hindi kami dumugin ng media rito.
"You're just afraid about what he told us." Napalingon kaming dalawa ni Evo kay Theodore na nakaupo ng prente sa katapat na couch.
"What the fuck are you talking about?" Evo asked and his eyes drifted away from Theo's menacing look.
"That the three of them were just toying us." Theo replied. Umigting ang panga ko sa sinabi niya at sinamaan ito ng tingin.
"My wife wouldn't do such thing, pare." I gnawed.
Theodore shrugged his shoulders. "I just pointed it out dahil halatang hindi niyo 'yon nababanggit kanina pa. You closed your mind thinking that they have a point."
"Bakit 'di mo nalang kami diretsuhin? Ang dami mong palabok." Inis na wika ni Evo sa binata.
Bumuntunghininga muna si Theo bago ito nagsimulang magpaliwanag.
"Look, ayoko rin isipin na magagawa nila 'yon. Lalo na si Vera na s'yang tanging kilala ko sa kanilang tatlo. I have a ton of reasons to disagree pero isipin niyo, it's been what? Three years? Three years na ang nakakaraan pero hanggang ngayon ay wala pa rin tayong makuha na matinong lead kung nasaan ang babaeng hinahanap natin para makatulong sa plano niyong gamitin ang Apollo sa pamamagitan niya upang mabuhay sila Vera at Xyrene. Don't you think it's pretty much ironic?"
Natigilan kaming dalawa ni Evo.
"We used the best hackers, and people who can trace the whereabouts of this woman and yet, we didn't get positive result." Theodore added.
"Xyrene's mother warned us na hindi madaling mahanap ang kaibigan nilang 'yon." I reasoned out.
Tinaasan niya kami ng dalawang kilay, as if I said a bad joke.
"For the whole three damn years? Ano s'ya, d'yos?"
"She may be just so... good." Mahinang bulong ni Evo at napatulala nalang sa sahig.