Chapter Twelve
I CAN sense their stares at me. Kahit 'di ko buksan ang Lenses ko, ramdam na ramdam ko ang paninitig na ginagawa nila sa akin. Nasa isa sa mga rest house ako ng mga Villareal sa Cavite. Isa ito sa mga properties na nabili ng pamilya na hindi maaaring pasukin ng kahit na sinong myembro ng Privus. Dito nila piniling dalhin ako matapos makuha ang custody ng katawang lupa ko. I don't know if I should act like a kid because I was treated like one. I scoffed silently to that.
"Akala ko ba hindi na s'ya bulag?" Rinig kong tanong ng isa sa kanila.
Agad na pinatahimik ng isa sa kanila ang babaeng nagtanong patungkol sa aking mga mata.
"Anastasia..." Agad na nagseryoso ang mukha ko nang muli kong marinig ang boses ng isa sa mga taong nagpahirap sa'kin noon. At nagpahirap sa pitong bata na ginawa nilang guinea pig because of Apollo.
Hindi ako tumugon. Bagkus hinintay ko lang ang gusto n'yang sabihin.
"Can you really... make them... alive?" tanong nito sa akin at naramdaman ko naman ang lungkot sa tinig ni Leonna Casiraghi— Xyrene's mother.
"You're all wasting your time." Iyon ang isinagot ko ngunit naramdaman ko nalang ang sariling katawan ko na nakalutang dahil may isang binata ang may hawak sa kwelyo ng damit ko.
"I don't have any time with your bullshits, Anastasia! We didn't risk our lives there just to hear this from you!"
"Evo!" Suway ng ilan sa kanila.
"Put her down!" Rinig kong anas ni Leonna ngunit hindi nakinig ang Evo na hawak ako.
I smirked at him. Mas naramdaman ko ang paghigpit ng pagsakal niya sa'kin pero I tried to speak what's on my mind.
"Kung alam kong may pag-asa pa silang ibalik... ikaw ang uunahin kong burahin dahil ikaw ang dahilan kung bakit nawala si Vera." I spit every word to him. Word by word. 'Yung tipong manunuot sa kaibuturan nito ang sakit ng pagkawala ni Vera.
Naging maluwag ang naging kapit ni Evo sa aking kwelyo. Tila nanghina ito nang isampal ko sa kanya ang mga salitang 'yon. Bagay na panigurado akong sinisikap ng mga kamag-anak at kaibigan nito na itanim sa utak ni Evo na wala itong kasalanan.
"Kahit saang anggulo mo tingnan. Parehas kayo ni Xavier ang may dahilan kung bakit sila... nawala." Dugtong ko pa.
Tuluyan na akong binitawan ni Evo. Ramdam ko ang bilis ng paghinga nito at panghihina. I don't need to open my eyesight just to see how he stumbled back.
"Evo!" "Xavier!"
Sabay na tawag ng kanilang mga kaibigan at pamilya.
"Wala silang kasalanan!" Sigaw ng isang babae. "Ang kapal ng mukha mong isisi 'yan sa kanila kung pupwede ka rin namang kumilos ng mga oras na 'yon at tulungan ang mga kaibigan mo!"
"Emerald, that's enough." Suway ni Leonna.
Ngunit hindi nagpapigil ang sinuway ng ginang. "You should be the one to blame! You didn't save them if you have the power to do so!"
Mas dumami ang gustong pumigil sa kakadada ni Emerald. I can sense their frustrations and annoyance.
"My brother suffered enough! The pain, the hatred, the agony. He lost our parents and blame it for someone he shouldn't be! Pero nang may pagkakataon na s'yang sumaya? That Apollo ruined it! It killed Vera right in front of his eyes! And that escalated the pain severely! Do you even know the feeling—"
"Yes," pagputol sa litanya niya. "I've seen how my mother killed right in front of my eyes."
Biglang tumigil at tumahimik ang mansyon ng mga Villareal sa naging tinuran ko. It's a complete silence that no one dared to speak nor react.
BINABASA MO ANG
Royal Synergy: Battle of Apollo
Action[READ THE 1ST PART BEFORE YOU START THIS!] Royal Synergy Part 2: The Battle of Apollo The search for the Queen of Death has been the major goal of Evo and Xavier for the past three years. They need to make it fast this time as the Privus Trata- the...