XIX. Sympathy

3.6K 174 59
                                    

Chapter Nineteen

IT WAS ALREADY midnight when I arrived in one of the shipping lines in General Santos City. Hawak ang papel na bigay ni Anastasia ay pinakita ko iyon sa isang lalaking bantay ng pantalan. Nang makita nito ang tatak sa papel ay tinulungan niya ako makapasok sa loob ng walang makakapansin.

I've been asking the person who's assisting me if where we are going but he's not responding nor replying. Hindi ko nalang pinilit dahil ang importante lang naman sa'kin ngayon ay makita ang ama kong na-rescue ng Team ni Anastasia.

That woman... there's really no doubt why she became the Queen of Death. Sa tatlong taon na pagtatago n'ya ay tila nakapagplano ito ng maayos kung paano gagalaw sa muli nitong pagpapakita sa buong Privus Trata. Her intimidating prowess stood excellently against the Aldeguer Brothers. Base sa mga nakita kong reaksyon ng mga tao noong gabing 'yon ay mahihinuha kong may masamang nakaraan si Anastasia sa magkapatid at maging sa iba pang myembro ng Aldeguer Mafia.

Nakakagalit sa parte namin ni Nathaniel ang mga nangyayari. Nadadamay na naman kami sa away at sigalot na mayroon ang organisasyong dapat ay sinusuplong ko sa kinauukulan ngunit 'di ko magawa dahil alam kong madadawit ang ama ko na s'yang naging parte noon sa pamamalakad ni Romualdo Arevalo.

Hindi man kami parte ng organisasyon ay naiipit naman kami sa dalawang nag-uumpugang bato, Sa pagkakaiipit namin ay malaya nila kaming nagagamit lalo na't alam nila ang kahinaan naming magkapatid— ang aming ama.

Ang akala ko noong matapos ang huling laban na kinaharap namin nina Vera na nauwi sa pagkakasawi nito ay matatahimik na kami sa maayos. But those happy moments we've had with our father didn't last when the Aldeguer Brothers took our father away for us to do their bidding.

See what's happening if you are in between two forces? You are being used against your will.

Walang pinagkaiba ang Anastasia na 'yon sa kanila. She used me as her beacon so she can use me in the future. Kung hindi lang ako desperadong makita ang ama namin ngayon ay hindi ko ibibigay ang loyalty ko sa kanya.

These people... may kalalagyan din sila. Pagbabayaran nila lahat ng pasakit na binigay nila sa pamilya ko.

Naputol ang pagmumuni muni ko nang tumunog ang cellphone ko at nakarehistro si Emerald bilang caller. Naging hesitant pa ako kung sasagutin ko o hindi. Alam kong tatanungin n'ya lang ako kung nasa'n ako ngayon. I don't want her to know it or ng kahit na sino. I know her and my brother can help me but I believe that I can do this alone. Ayoko silang idamay kung sakali mang niloloko lang ako ni Anastasia kung nasaan ang ama ko.

I chose to turn off my phone when this time, it was Nathaniel who's calling. I even removed the ring that he gave me bago ako bumyahe papunta rito sa GenSan. It has a tracker and I don't want him to locate me.

"Sumakay ka nalang doon. Kanina pa s'ya nag-iintay sa'yo." Anas ng lalaking sinamahan ako papasok ng port. Nagawi ang tingin ko sa tinuro n'ya.

Binulaga ako ng may katatamtamang laking Yate at nakita ko na may isang lalaking nakatayo sa entrada. He's wearing a suit with a pocket watch and matching white gloves pa. Hindi ba ito naiinitan?

Pagkalapit ko rito ay napagtanto ko na isa itong matandang lalaki base sa kulubot ng balat sa mukha at kulay ng buhok. Nakapaskil sa mukha nito ang ngiti na maging ang mga mata nito'y waring nakapikit. His smile didn't falter when I'm standing in front of him now.

"Signore Theodore, I've been waiting for you. I'll be your guide to our Queen's domain."

Nang makapasok sa yate ay 'di na ako nagulat kung naghuhumiyaw ito ng karangyaan.

Royal Synergy: Battle of ApolloTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon