Chapter Sixteen
"V-VERA?" nanginginig ang mga kalamnan ko sa halo halong nararamdaman habang 'di makapaniwala sa taong nasa aking harapan. Mabilis na nagtubig ang mga mata ko habang nanginginig ang kamay kong inaabot ang pisngi nito. Halos sobrang lapit na ng kamay ko sa pisngi n'ya nang bigla akong mapaungot sa sakit nang makita ko nalang ang sarili kong nakangudngod ang mukha sa dingding habang iniipit ng dalaga ang kamay kong inaabot sa kanya sa aking likuran.
"V-Vera! A-Ako 'to, si Evo!" angil ko habang sinusubukang kumawala sa ginagawa niyang pag-ipit sa'kin sa pader. Nagtaka ako sa klase ng lakas na pinapakita nito dahil kahit anong pilit kong kumawala ay walang saysay 'yon, ako pa ang nasasaktan sa t'wing sinusubukan kong kumawala.
"I'm not Vera, Sir. I'm your Assistente." The way she replied was weird too. Para itong robot kung magsalita.
Bigla kong naalala ang sinabi ni Anastasia sa'min tungkol nga sa Assassin na tutulong sa'min.
"Oh! by the way, Xavier and Evo... piece of advice, your assigned Assassins are special because they're not... so human. They will be there to support you and protect you too. Alagaan n'yo sila okay?"
Not human? Ano'ng ibig sabihin ni Anastasia ro'n?
"V-Vera... please let me go." Nagulat ako nang sumunod nga ang dalaga sa sinabi ko. She immediately released me and went back on her snappy position and just look straightly without any emotion.
Hinahabol ko pa ang hininga ko habang nakatitig ng hindi makapaniwala rito. Hindi ba talaga si Vera ito? Bakit kuhang kuha nito ang mukha niya? Her hair was just different because it was cut up until over her shoulders and it was straight like silk. She's wearing the same attire the Warriors of Orion. Nakasuot lang ito ng cadet hat.
"W-What and who are you?" tanong ko rito dahil gusto kong malaman kung totoo ba ang sinabi ni Anastasia na ang tutulong raw sa'min na Assassin ay hindi... tao.
I was in shock when she looked at me snappily and gave her salute. "I'm Clone #48, Sir! I was named Arev."
Nagtagis ang panga ko sa pangalang binigay nito sa'kin. Naghahalo na naman ang galit at pagpupuyos ko sa babaeng 'yon. That woman! He never really failed to boost my anger towards her!
Dire-diretso akong naglakad na may mabibigat na diin sa bawat hakbang papunta sa kwarto ni Anastasia. Pagkaliko ko sa isang pasilyo ay doon ko naabutan si Xavier na bakas rin ang galit sa kanyang mukha at nakakuyom ng kamao. Isang tinginan lang namin ay nagkaintindihan na kaming dalawa.
He must have met the Assistente that Anastasia was talking about. For sure it has the face of his beloved. And we need answers!
Sabay kaming tumapat sa kwarto nitong may dalawang Orion warriors na nagbabantay. Pagkatapat palang namin sa kwarto nito'y mabilis nang iniharang ng dalawang bantay ang mga hawak nitong armalite upang 'di kami makapasok.
"Alis." Ani Xavier na may bahid ng galit ang tono. Minsan ko lang abutan itong ganito magalit dahil mas madalas itong mahinahon.
"You don't have an appointment—" hindi na natapos ng binatang bantay ang sasabihin nang igkasan ng malakas na suntok ni Xavier ang panga nito.
The other warrior was about to restrain Xavier when I immediately stopped him and gave him a punch too. Nakipagbuno pa kami sa dalawang 'to hanggang sa parehas na nawalan ng malay.
Padabog namang sinipa ni Xavier ang pintuan ng kwarto ni Anastasia.
Naabutan namin itong nakasuot pa ng night gown habang may hawak na wine glass sa umagang tapat.
BINABASA MO ANG
Royal Synergy: Battle of Apollo
Action[READ THE 1ST PART BEFORE YOU START THIS!] Royal Synergy Part 2: The Battle of Apollo The search for the Queen of Death has been the major goal of Evo and Xavier for the past three years. They need to make it fast this time as the Privus Trata- the...