Chapter 19
LUCY'S POV
Ika-apat na araw ng Intrams
Special ang araw na ito dahil ipapakilala na ang mga new candidates ng SCO for this school year.Sadly,hindi ako nagparticipate dahil gusto kong magbigay ng chance sa iba na may potential na maging isang magaling na leader ng SCO.
Alam kong malungkot sila sa naging desisyon pero makaka-move on naman sila.
Nagsimula ang palatuntunan sa pagpakilala sa mga kasalukuyang SC Officers pagkatapos inisa-isa ang mga bagong kandidato for this school year.Binigyan ang bawat isa ng pagkakataon na magsalita sa harap ng daan-daang estudyante upang maipakilala ang sarili at magpakitang gilas para makuha ang boto ng mga estudyante.
Naunang bigyan ng chance ang mga candidates sa pagka-presidente at unang-una ang manok ko na si Ren.Siyemore suportado namin siya dahil deserving siya at alam kong magaling siya.Nang matapos ay nagsalita naman ang kalaban nito sa posisyon na si Jester.Si Jester ang madalas kong nakakalaban sa parehas na posisyon noon at hanggang ngayon ay hindi ito sumusuko.Katropa niya sina Norman kaya ayaw ko sa kanila.Mga pasaway kasi ang mga to at feeling sikat,maraming naiinis sa kanila lalo na kami.Mabait naman yang si Jester dati,naging magkaibigan pa nga kami eh kaso biglang nagbago.Sa hindi malamang dahilan ay lumalayo siya sa akin at pag lumalapit ako ay pinagtatabuyan niya ako.Kaya ayun nung high school na ay tuluyan na kaming naging magkaaway.
Hayysss...
Naniniwala ako na babalik din siya sa dati.Ewan ko kung kailan.Magkaibigan sila ni Cess sa hindi malamang dahilan at kung paano.Sabi sa akin ni Cess ay magkasubdivision sila at madalas silang nagkakasabay pumasok.Kahit si Cess ay walang idea kung papaano siya biglang nagbago noon.
Natapos na ang program kaya ang lahat ay back to business na. Sa desk ko sa SC office ay may isang puting envelope at naka-address ito sa pangalan ko.Binuksan ko at nang mabasa ay tumingin ako sa watch.Alas tres na pala.yabang naman ng nagbigay and take note magpapakita siya sa akin.Lagot siya sa akin mamaya pag nagharap kami.
Naglalakad ako ngayon sa hallway nang may makita akong hindi inaasahang tao dito.
"LUCY-SAN!" sabay yakap sa akin ni Anicka
"Ikaw pala." at inalis na niya ang pagkakayakap sa akin.
"Lucy, pasensya na sa abala ni Anicka." Si Taylor yun.
"Tumigil ka nga Taylor diyan."Sabay pout niya na parang bata.
"Nasan si Vince?" Hindi kasi nila kasama ngayon.
"Ehem. Lucy ikaw ba yan?Hinahanap mo ba si Vince?"sabay dutdut sa bewang ko.Iba ang tingin niya sa akin. bakit ba ganyan siya magtanong? May mali ba?
"B-Bakit? may mali ba sa tanong ko?"Nagkatinginan sila sa isa't-isa tapos ngumiti nang nakakaloko.Sinimangutan ko sila agad.Meron silang iniisip na hindi nila sinasabi sa akin.
"Lucy-san, your so cute." sabay pisil sa dalawang pisngi ko ni Anicka.
"Sige, alis na kami. Mukhang busy ka ngayon."Hinatak agad ni Anicka si Taylor palayo."See yah!"
Himala.Hindi ata sila nagpapasama ngayon.
"T-Teka sandali."Nawala na sila sa paningin ko.Naalala ko bigla yung sulat at ang sabi ay alas singko sa rooftop kami maghaharap ng walang hiyang yun.
BINABASA MO ANG
Living in next to Him(Completed)
Teen FictionNasira ang simple at payak na pamumuhay ni Lucy nang makilala ang misteryosong lalaki na si Vince bilang kapitbahay.Ayaw niya sa kanya dahil sa palagiang pambubwiset at pang-aasar sa kanya.Hindi nagtagal ay nakapalagayan na niya ito ng loob dahil sa...