Chapter 40
LUCY'S POV
Nakakastress!
Isang linggo bago ang Christmas Party at wala pa akong naiisip na ireregalo kay Jester.First time ko magregalo ng lalaki sa Party at wala akong kaide-ideya kung ano ang ideal gift para dito.
Kailangan kong humingi ng tulong at kanino naman kaya.Kay Jun, Vince o kay Tito?
"Anong magandang regalo para sa isang lalaki?"
"Bakit pamangkin?May nililigawan ka na?"Isang nakakalokong tawa ang narinig ko kay Tito.Kung bakit ba naman kasi kung sino pa ang nasa last option ko eh siyang pipiliin ko.
"Magtigil ka nga!Tinatanong ka ng matino kaya please lang,sagutin mo ko ng matino pwede?"Nanonood kasi kami ng Basketball at kahit 3rd quarter palang ay tutok si Tito dahil semi-finals na at naglalaro ang bet niyang team.Hindi na siya nag-focus sa panonood sa kakatawa niya.
"Okay wait."Nagpatuloy lang siya sa pagtawa.”Hindi ko mapigilang tumawa.”
Matapos ang ilang minute na pagtawa ay bumalik na ang sarili niya at nagtanong."Alam mo ba kung ano gusto niya?"
"Mag-aaksaya ba kong magtanong sayo kung alam ko?”Akala ko makakatulong siya, nagkamali pala ako.”Konting common sense naman diyan."
"Astig mo talaga.Bumabalik ka na sa dati.”
"In your dreams.Walang nagbago sa akin okay.Sumagot ka na lang pwede ba?"Konting push pa Tito at makakatikim ka sa akin.
"Ehem.ehem.Sa aming mga lalaki, kahit ano naman okay lang basta alam naming bukal sa loob ang pagreregalo."
“Look, I’m definitely have no idea sa kung anong ireregalo sa isang lalaki.That’s why I need your suggestion since you’re a man.”
"Okay fine eto naman,prologue pa lang yun ika nga.Panimula lang.Wag excited.Atat lang."
"Tito!"
"Eehh...hindi ka marunong maghintay.Tsk.tsk.Kawawa ka naman."Mukhang napahilis na ang usapan namin.Mas magandang wag nang patulan.
“Teka sino ba yang reregaluhan mo?”
“Si Jester.”Ngumisi si Tito na parang may masamang balak sa akin.
“Hmm… Mas maganda kung kay Vince mo itanong yan since magkasing-edad sila.I’m sure alam niya kung ano ang in.”
“Kahit papaano, maayos ka ding kausap.”Naiinis ako sa pagngisi niya.Pakiramdam ko kasi may iba siyang iniisip na hindi maganda para sa akin.
Err… mas magandang tanungin ko na lang si Vince.
“Wag mong kalimutang sabihin sa kanya ang pangalan ng reregaluhan mo para mas makatulong siya.”Masaya pa niyang bilin sa akin.
***
"Miss Sungit."Nabigla siya nang malamang ako ang kumatok sa pinto.Lumaki ang ngiti sa mga labi nito.
“May itatanong sana ako.”
“Come in.”Alok niya pero imbes sa loob ay sa terrace na kami nag-usap.
“Ano yang itatanong mo?”
“Anong ideal gift sa lalaki?”Straight kong tanong sa kanya.
BINABASA MO ANG
Living in next to Him(Completed)
Teen FictionNasira ang simple at payak na pamumuhay ni Lucy nang makilala ang misteryosong lalaki na si Vince bilang kapitbahay.Ayaw niya sa kanya dahil sa palagiang pambubwiset at pang-aasar sa kanya.Hindi nagtagal ay nakapalagayan na niya ito ng loob dahil sa...