Chapter 36

1.5K 41 2
                                    

Chapter 36

LUCY'S POV

"Psh.Wag kang maingay."

"Opo basta po damihan niyo."

"Okay.”

Nagising ako ng mga ingay at sa pagdilat ng mga mata ko ay tumambad ang natutulog na mukha ni Vince na malapit sa mukha ko.Hindi ko na naiwasang pagmasdan ito at purihin.Mahahaba pala ang pilik-mata niya,medyo maliit ang ilong,makinis ang mukha niya at kissable lips pa.This is the second time na nakita ko siyang matulog,ang pinagkaiba nga lang ay katabi ko siya na nakahawak ang kamay ko sa kanya.

Nakahawak ang kamay ko sa kanya…Eh?

Napabangon tuloy ako.Tatanggalin ko sana ang kamay ko nang may may magflash na ilaw sa amin. 

"Good morning pamangkin."

"Good morning ate."Sina Tito at si Jun na nasa tapat namin.

"N-Nakuhanan niyo ba?"Nagnod sila agad.

“BURAHIN NIYO YAN!"Umagang-umaga ay napapasigaw na nila ako ng ganitong kalakas.”

“Ang ingay naman."Bumangon na si Vince sa pagsigaw ko.Kinusot-kusot niya ang mata niya at napansin niya ang kamay naming kaya napangisi ito.

"Good morning Ms.Sungit."Nasigawan ko siya sabay alis ng kamay ko.Tumayo ako at hinabol sina Tito para bawiin ang camera.Nakalabas na kami ng kwarto hanggang sa umabot kami sa sala.Para kaming mga bata na naghahabulan dito. 

"Catch Vince."

Utos ni Tito sabay hagis ng phone papunta sa kanya.Hinabol ko si Vince matapos niyang masalo.Nakipaghabulan ako sa kanya at paikot-ikot kami sa mesa nang umabot ang habulan sa kusina.

"Ibigay mo sa akin yan!"

"No."

"Akin na sabi eh!"

"No way"Sabay belat pa nito.Kapal ng mukha!

"Pasaway ka!Akin na sabi eh!"Shumortcut na ko sa pagtawid sa mesa derecho sa kanya.

“Akin na yan!"Tumalon ako papunta sa kanya.Huli na nang ihagis ni Vince ang camera papunta kay Jun.Napayakap ako sa kanya nang masalo niya ako.Nagkalapit na naman ang mukha namin.

Bakit ba kasi an gaga-aga,ganito na agad ang eksena?

"MAGTIGIL NA NGA KAYO!”Sigaw ko nang magflash muli ang camera.”NAKAKAINIS NA KAYO!”

“Naiinis ka na nga diyan,nakayakap ka pa rin kay Vince.”Panunukso ni Tito sa akin.Dito ay napahiya ako at hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mainis.

"Si pamangkin kahit kelan pikon haha!"

“Nagbublush ka Miss Sungit."At sari-saring panunukso sa akin ang ginawa kaya hindi ko na makayanan ang sarili na umiyak.Napatigil naman sila nang makita nilang tumulo ang mga luha ko.

"Pamangkin,umiiyak ka ba?"

"Umiiyak si ate."

"Umiiyak si Miss Sungit."

"Tama na nga yan!Nakakainis na kayo!Badtrip!"Nagwalk-out ako agad.Bahala sila sa buhay nila,hinding-hindi ko sila ipagluluto ng masarap habang buhay.

Living in next to Him(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon