Chapter 18
LUCY'S POV
"We're really sorry president!"Lumapit sa akin ang isang lalaki,pamilyar siya sa akin.
"Para saan?"Tumaas agad ang kilay ko."May kalokohan ba kayong ginawa?"
"Ako po Miss President."
"Kung ikaw lang,bakit kailangang kayong lahat ang mag-sorry?"
"Ako po kasi yung kumuha sa bata kahapon.Napagkamalas ko po siya na kapatid ko."Yumuko ito at paulit-ulit na nag-sorry.Halatang takot ito dahil sa nangininig ang buong katawan niya habang nagso-sorry.Ano ba ang kinatatakot niya?
Hindi ako kumakain ng tao.Oh well baka nga.
"Sorry po kung natakot ko ang kapatid niyo sa akin.Malamang po na may trauma siya at---"
"Hindi ko siya kapatid."Napatingin ang lahat sa akin.
"Kaanu-ano niyo po yung bata?"
"Ha?Ah-eh."Ano ba ang sasabihin ko?Na alaga ko siya ganun?Baka kung ano isipin nila sa akin,after all mga spoiled brat ang mga to.
"Ah-eh ano..."Oh my,inaabangan na nila ang sagot ko.
"He's my brother."Napalingon ang lahat sa nagsalita sa likod ko.
Si Vince!
"Vince."Mahinang sabi ko.Ang mga second year naman ay natulala sa kanya tapos nagbulungan.
"I should be the one to apologize for what happened yesterday."Sa akin siya nakatingin tapos nagbow bilang paghingi ng paunmanhin.Napaka-formal niya tingnan,yun tipong gentleman ang datingan.No wonder kung bakit iba ang pagkakatitig sa kanya ng mga babae dito.
"I made you worry Miss President."
"Ha-Ah-eh..."Ano ba ang sasabihin ko?
"Natural lang naman na mag-alala ko di'ba?"Tapos tumawa pa ko.
"Sa inyo po pala ako dapat humingi ng tawad."Sabi ng lalaki.Lumapit si Vince sa kanya tapos pinat sa balikat.
"It's okay,"Nag-iba ang naging facial expression ng lalaki,he's like in pain.
"It's not your fault after all."Iba na ang naging tono ng pananalita nito.Sarcasm ang dating pero parang hindi.I wonder why he looks like he is suffering pain.
Ang mga second year naman ay tikom ang mga bibig at parang mga takot.Parang nakakita ng halimaw.
"M..ma...sa...kit...po..."Pautal na sabi ng lalaki.
"Why?Are you sick?"Nag-aalala na tanong ni Vince na sarcasm ang dating.
"S..sorry...na...po..."
"Masama ba pakiramdam mo?"Tanong ko.Nag-nod ang lalaki at si Vince naman ay lumapit na sa akin at hinablot ang kamay ko palabas ng room.Nanlambot ang mga tuhod ng lalaki kaya napaupo ito tapos tulala sa sahig.
"Dalhin niyo siya sa clinic."Bilin ko bago kami tuluyang umalis.
Ano ba nangyari dun?
BINABASA MO ANG
Living in next to Him(Completed)
Novela JuvenilNasira ang simple at payak na pamumuhay ni Lucy nang makilala ang misteryosong lalaki na si Vince bilang kapitbahay.Ayaw niya sa kanya dahil sa palagiang pambubwiset at pang-aasar sa kanya.Hindi nagtagal ay nakapalagayan na niya ito ng loob dahil sa...