Chapter 24

1.7K 44 4
                                    

LUCY'S POV

He’s taking a deep breath. 

“Alam mo,kung hindi ka kumportable na ikwento ang sarili mo sa akin ay okay lang na wag muna.” sabi ko sa kanya.Ayokong pilitin siya kung labag naman sa kalooban niya.

“Nirerespeto ko naman yun at saka hindi ako atat.Malalaman ko din naman yan pag prepared ka na.”Sa totoo lang,hindi pa ko prepared na malaman ang lahat tungkol sa kanya.Ewan ko ba kung bakit.

“Sorry.”

"May itatanong sana ako sayo."Nakatingin ako sa kanya.

“Hindi maganda ang relationship mo sa Mama ni Anicka,magkagalit ba kayo?”Kanina pa kasi ito gumugulo sa isip ko.

“Hindi naman.Mabait si Auntie at reliable.Isa siya sa mga pinagkakatiwalaan ko sa lahat.”

“Eh bakit ka ganyan sa kanya?”Follow-up question ko.

“For some reason.”

“At anong ‘for some reason’ naman yun?”

“I’m not comfortable to answer that.”

“Kung anuman yang dahilan mo,wag ka naman masyadong rude sa kanya.Kanina,nakita ko na nag-aalala siya para sa’yo.Sana maintindihan mo ang feelings niya.”Wala naman ako sa lugar na sermonan siya pero yung inasal sana niya ayusin naman.Kamag-anak pa rin niya yun kahit anong dahilan pa niya.Obvious naman kasing tinutulak niyang palayo si Mam Dominique pati si Anicka.

“Where are your parents?”Gusto niyang ibahin ang pag-uusapan pero bakit ito pa ang napili niyang topic. Natahimik ako agad.

“Hmm?”

 Nakayuko ako tapos huminga ng malalim.“Hindi ko alam.” 

"Hmm?"

Huminga pa ko ng malalim.Hindi ako ready na mag-open ng ganitong klaseng usapan.

“Hindi ko alam kung nasan sila.”Mukhang na-gets niya ako at nagsorry naman ito.

“Okay lang.Hindi mo naman alam kasi.”May kasalanan naman ako.Kung bakit kasi hindi ako nagkukwento tungkol sa buhay ko.Hindi ko lang bet na pag-usapan at baka mailabas ko ang hindi dapat.

“Ano ba tayo?”Nabigla naman ako sa tinanong niya.

“Tayo?”Nagnod ito.

“Ah…erm.”Ano nga ba?Magkapitbahay?Hindi eh more than that.Hmm.

“Friends?”

“Bakit patanong?”

“Iyon lang kasi naiisip ko ngayon.”Sagot niya.Baka nga yun na.

“Ahh hindi ko alam.”

“So one-sided friendship pala.”Na-down ito agad.

“Hindi ah.”Nagpout ako.”Friends tayo noon pa man.”

“So confirm na.”Inilahad niya ang kanang kamay sa akin.”We are friends.”

“Friends.”Hinakawan ko ang kamay niya para makipagshake hands.Mainit ang kamay nito tapos malambot pa.Parang walang ginagawa sa bahay ito.

Living in next to Him(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon