Chapter 47

1.6K 54 2
                                    

  

Chapter 47

LUCY'S POV

Balik eskwela na pero ako, hindi pa rin makaget-over nung New Year.Nangingitim ang ilalim ng mga mata ko dahil sa madalas na pagpupuyat ko sa pagtitig sa kisame.

Bwiset!Nakakainis! 

"Lucy, Ayos ka lang?!" Natauhan ako nang tinapik ako nang malakas sa balikat ni Cess. Break po namin ngayon at nasa room kaming dalawa.Katabi ko siya dito at kasalukuyang gumagawa ng assignment dito.

"Teka di'ba dapat take home assignment yan, Bakit dito mo yan ginagawa?"Patuloy lang siya sa ginagawa niya.Halatang nagmamadali.

"Sige lang,bilisan mo lang at 30 minutes lang ang break natin.Halos ata lahat hindi mo pa nagagawa.Ano ba kasi ang pinaggagawa mo nung vacation?"

Napatigil lang siya ng ginagawa niya.Dahan dahan siyang tumingin sa akin at napansin kong namumula ang mukha niya.Tinapik ko agad ang balikat niya.

"Bakit ka naman ganyan?Problema mo?"

"Umh...ano..."

"Sabihin mo na kasi."Obvious namang may gusto siyang sabihin sa akin.

"Basta wag kang tatawa ah."

"Oo na sige,ano ba kasi?" nacu-curious na ako sa sasabihin niya.Nakayuko siya at mukhang nagdadalawang-isip pa to.Syempre hindi ko siya pwedeng pilitin,choice naman niya.

"Hihingi sana ako ng advice."

"Advice saan?" about naman saan kaya yun.

"Love advice."Ahh love advi--

"Huwaaatttt?!" napatayo ako sa kinauupuan ko, gulat na gulat sa revelation niya.Totoo ba to?Si Cess,hihingi ng love advice as in LOVE ADVICE.

Don't tell me...

"Kalma naman oh!"Hinila niya ako paupo.Mukhang nahihiya siya sa akin after ng reaction ko.

"Okay."Sinink in muna sa akin ang lahat then humarap sa kanya."Are you in love Cess?"

"M-matagal na."Naka-pout siya.

"Ikaw ah,naglilihim ka na sa akin.Sino ba yang maswerteng lalaki na yan at nang mapasalvage."Biro ko sa kanya para maging komportable siya sa pagkukwento sa akin.

"Eh?"

"Just kidding."

"Tinakot mo naman ako.Gusto ko pang magkaanak sa kanya kaya wag naman pwede."Sabay hampas ng mahina sa braso ko. Inlababo na tong bestfriend. Finally,na-inlove na siya,i hope na sa mabuting tao siya nagkagusto at hindi siya sasaktan.

Parehas pala kami, kaso hindi ko pwedeng sabihin sa kanya.

"Ikaw ah...hmmm...May problema ka?"

"Malaki."Lumungkot ang mukha niya.

"Baka makatulong ako.Third party ba yan?Naku makakatikim yun sa akin."

"Wait lang.Wag mo kong pangunahan."

"Ano ba kasi problema mo?"

Living in next to Him(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon