Chapter 41
LUCY'S POV
"Pupunta tayo?"Nagkibit-balikat ito na parang iniiwan ang desisyon sa akin.Ito ang pinakaayaw ko sa lahat.
"Nakakahiya."
"Anong nakakahiya?Makikikain lang tayo dun."
"Syempre alam mo naman kung bakit diba at isa pa,baka hindi maging merry ang christmas nila dahil lang sa akin."Nag-aalala lang naman ako nab aka masira ko ang pasko nila nang dahil sa akin.
"ikaw lang naman ang naiilang, hindi naman ako."
"Eh di ikaw na."
"Ano?Ayaw mo ba silang makilala?"Tanong niya.
"Hindi naman sa ayaw ko...kasi…" Wala akong maisip na dahilan.Gusto ko talaga silang makilala para makahingi ng tawad sa kanila sa naging abala ko.
"Past is past right.So don't worry,magiging welcome sila sayo."Payo niya na parang okay lang ang lahat.
"Baka si Tita lang."
Iniimbita kami ni Tito na mag-Noche Buena sa pamilya niya.Hindi ko alam kung pupunta ba ko or mag-isang i-celebrate ang pasko?
"Ay sus.Wala pa nga tayo umaatras ka na diyan agad."
“Tito please naman wag mo naman ako inisin.Kita nang kinakabahan ako dito.Konting support naman diyan.”Sabi ko habang nanginginig ang boses ko.Ngayon lang talaga sa buong buhay ko na kabahan ng ganito.
Inakbayan niya ako.”Relax lang.Look, inimbita nila tayo so it means na okay sa kanila na makita ka nila.I’m sure na excited silang makilala ka.” Alam kong pinapalakas lang niya ang loob ko at nagpapasalamat ako sa kanya dahil dito.
“Isa pa, sa tingin ko ito na ang tamang oras na magharap-harap kayo.Magkakamag-anak tayo after all.”Dagdag niya.Sa huli ay napapayag niya ako na sumama kahit na nag-aalangan ako.
December 24
8:30 pm
Naka skinny jeans ako at plain red blouse na may black cardigan.Kinakabahan ako ngayon tapos pagkalabas pa namin ay sumalubong sa amin ang napakalamig na hangin na nakanginginig sa katawan ko.Nakita ko sa terrace si Vince na naka-polo at pants.Super plain lang niya kung titingnan pero aaminin ko, cool niyang tingnan.Hindi nga ako makapaniwala na kapitbahay ko siya at ngayon ko lang ito na-realize.
Kung ibang babae siguro maging kapitbahay niya, malamang sa malamang kinikilig at gagawin ang lahat para mapansin siya.Bakit ba ito nasa isip ko?
Nakangiti siyang lumapit sa amin na halatang excited na excited.
"Saan ka pupunta?"Tanong ko.
"Sasama ako."Ngingisi-ngising sagot niya.Gulat ang naging reaksyon ko, ang alam ko kasi kaming dalawa lang ni Tito.
"Tama ang narinig mo.Sasama siya sa atin."sabay akbay ni Tito sa kanya na parang mag-bestfriend ang turingan.
"P-pero akala ko kasi...kina Anicka ka magpapasko…"
"Ako ang nag-aya at pumayag siya."Proud na sinabi ni Tito.
"Bakit ayaw mo ba?”
BINABASA MO ANG
Living in next to Him(Completed)
Teen FictionNasira ang simple at payak na pamumuhay ni Lucy nang makilala ang misteryosong lalaki na si Vince bilang kapitbahay.Ayaw niya sa kanya dahil sa palagiang pambubwiset at pang-aasar sa kanya.Hindi nagtagal ay nakapalagayan na niya ito ng loob dahil sa...