Chapter 1

6K 107 13
                                    

Chapter 1

LUCY'S POV

Balak niya talaga ako inisin sa pagsabay niya sa akin.Nakarating na kami sa kanto at dito na kami maghihiwalay.Tiningnan ko lang siya na ngingiti-ngiti pa din.

"Bye.Salamat sa pagsabay." at sumakay na siya sa bisikleta niya at umalis na.Nagpasalamat pa talaga sa akin.Sumasakay ako ng jeep papasok at uwian.

Ito ang St. Rafael Academy.Semi-private school at Scholar ako dito.As long as nasa top ako,hinding-hindi mawawala ito at hindi ko talaga iwawala ito.Malaking tulong ito sa amin ni Tita,ayoko kasi maging pabigat sa kanya.

Isa akong Student Council President,2nd term ko na.Masasabi kong strikto ako lalo na sa disiplina at sa uniform ng mga schoolmates ko. Maaga akong pumapasok para i-check ang school uniform at  ang ID sa main gate.Walang nakakalusot sa mga mata ko dahil kumakain  ako ng kalabasa.Importante kasi na mukhang matino sila at hindi mukhang tatambay lang sa kanto.Wala din akong sinasanto,popular man o hindi.

Aminado ako, maraming naiinis sa akin pero wala akong pakielam basta ako, ginagawa ko lang ang trabaho ko noh.Nasisita ko sila pag hindi nila suot ang uniform o pag may accesories lalo na sa mga lalaki. All in all kasi mas marami ang lalaki kesa sa babae.Daily routine ako ngayon.Walang araw na wala ako nasisita. Mostly mga lalaki yun kaya galit sila pero hindi nila ako kayang resbakan. Lagot sila sa akin.Matapos kong magcheck ay flag ceremony na.Alam kong boring at nakakaantok pero ganun talaga eh.Matapos ang isang oras,papasok na sa kanya-kanyang room at mag-aaral na kami.

"Lucy!"Napatingin ako sa tumawag sa akin.

"Bakit Cess?"Si Cess pala.Magkaibigan kami since grade school.

"May assignment ka?"

"Bakit naman?"Mukhang alam ko na ang susunod na eksena dito.

"Pakopya."Sabi na eh.

Ibinigay ko ang notebook ko sa kanya."Sa susunod kasi gumawa ka."

"Hehe okay."bumalik na siya sa upuan niya.Bakit ba ang tamad niyang gumawa ng assignment?

Nagsimula na ang klase nang dumating ang teacher ng unang subject namin.

Uwian na at hindi ko pa time.Dami kasi gawain ngayon lalo pa't nalalapit na ang Intrams.Pagkapasok ko sa SCO Office ay binati nila ako.Umupo ako sa pwesto ko at mag-isa kong binasa lahat ng proposals na nakahain sa mesa.Ito yung mga balak na ipatayong stalls pagdating ng Intrams.Mga ilang oras din ako nakaupo at hindi ko namalayan ang oras.Gabi na nang makauwi ako.Kabababa ko lang galing sa jeep at heto ako,naglalakad na.Safe naman dito dahil may ilaw sa daan.Isang Apartment Complex ang tawag sa tinitirhan ko ngayon.Kada palapag ay may anim na apartment. Nasa 3rd floor at sa pinakadulo pa yung sa akin.Naglalakad na ko at lumampas sa unang 3 pinto na mukhang walang tao. Sa ika-limang pinto ay napansin ko na  nakabukas ang ilaw nito sa loob.

"May lumipat na pala dito." sabi ko.Umalis kasi ang nanirahan dito noong nakaraang linggo.Kaninang umaga kasi,wala pa naman umookupa dito.Kalilipat lang siguro nito kanina and magkatabi kami.Kinuha ang susi sa bulsa ko at pumasok na 'ko.As usual, mag isa ako dito. Actually kasama ko ang Tita ko dito pero dahil sa trabaho niya, bihira lang siya makauwi dito.Malayo kasi ang inagtatrabahuan niya kaya ayun,nakikitulog siya sa kaibigan niya para less gastos.

"Ano kaya mailuto ngayong hapunan?"Inilapag ko ang bag sa sofa.Dumiretso sa kusina at nagkalkal sa mga cabinet at sa ref.Nakaprepare na ang lahat para sa lulutuin ko na pritong galunggong nang may nag-ring ang telepono.Dali-dali ako pumunta at sinagot.

"Yes Hello."

"Hayy mabuti naman at sinagot mo na yung telepono. Kanina pa kita tinatawagan eh."

Living in next to Him(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon