Chapter 28
ANICKA'S POV
Nandito kami ngayon sa world of fun.Ano naman kaya ang gagawin nila dito?Malamang maglalaro. Inabot sila ng paglalaro nila ng isang oras at tanghalian na.Umalis sila at sinusundan pa din namin sila.
Pumasok sila sa restaurant malapit dun.So nakisit in kami 3 tables away from them para hindi obvious.Kumukulo na rin ang tiyan ko and nakakapagod ang magspy.
Umorder na sila ng makakain at after nila ay umorder din kami sa iisang waiter.Syempre dahil ako ang kumaladkad kina Lucy,nilibre ko sila.Umorder ako ng marami sa sobrang gutom ko.
"Andami mo namang inorder,hinay-hinay lang."sabi sa akin ni Lucy.
"Okay lang yan noh at saka tatlo naman tayo eh.What do you think about them?"sabay turo sa dalawang yun.Buti at nakatalikod sila sa amin kaya pwede naming silang tingnan.
"Malisyosa mo pala Anicka tss...magpinsan talaga."
"Eeehh hindi noh.Syempre kung ibang tao,iisipin nila--"Dumating na yung order namin kasabay din kina Taylor.Syempre dahil marami ang inorder naming pagkain kaya kain-maton muna ako.I have to reserve energy dahil nakakapagod ang gagawin namin.
TAYLOR'S POV
Dumating na ang order namin.Nagugutom na kasi ako,Hindi kasi ako nag-almusal sa bahay after tumawag ni Anicka.Siguradong ipapadukot ako agad ng babaeng yun.
"Vince,buti at pumayag kang sumama sa akin ngayon."Pasta kasi ang inorder namin.
"It’s your day.Kailangan kong bumawi sayo this time."sabay subo ng pasta sa bibig niya.Birthday ko kasi sa weekend at may magaganap na party sa amin.Inaaya ko siyang pumunta but he refuse.Ayaw na niyang pumunta pa sa mga parties after kay Anicka.Baka kasi may makakilala pa sa kanya at tuluyan na siyang mahanap.
Preventive measures.I asked a favor sa kanya na ibigay na sa akin ang araw na to para sa aming dalawa.Matagal-tagal na kaming hindi nagkita at nagkakausap.
He’s my bestfriend and my true friend after all.
"Thanks pare."Tahimik kaming kumain.Masarap ang pasta dito kaya dito kami kumain.Vince likes pasta and shakes pero napansin ko na tahimik itong kumakain.
“Hindi ka ba nasarapan?”
“Matagal-tagal na kasi ako hindi nakakain ng pasta.Nanibago lang ako.”
“Nasanay ka kasi sa mga pagkain na iniluluto ni Lucy.”Mukhang favorite na niya ang mga pagkain ni Lucy.
“It’s the best.”Tapos ngumiti siya.Maaliwalas ang mukha niya pag napapag-usapan si Lucy.
“What’s your favorite food na iniluluto niya?”
“All of them."Naririnig naming na may umuubo sa likod namin.Napatingin kami agad.
"Teka,sila yung kanina diba?"sabi ko.Nakatitig si Vince sa taong nakatayo na hinihimas yung likod nung naubo.
"Vince."tinapik ko siya sa likod at pinansin na niya ako.
"Don't mind them.Let's eat."Bumalik na siya sa pagkain.Napansin kong nakangiti siya na parang masaya.
"Pare,problema mo?"
BINABASA MO ANG
Living in next to Him(Completed)
Novela JuvenilNasira ang simple at payak na pamumuhay ni Lucy nang makilala ang misteryosong lalaki na si Vince bilang kapitbahay.Ayaw niya sa kanya dahil sa palagiang pambubwiset at pang-aasar sa kanya.Hindi nagtagal ay nakapalagayan na niya ito ng loob dahil sa...