Chapter 49
LUCY'S POV
Isang linggo na ang nakakalipas nang umalis si Vince.Nakakapanibago sa una, wala na kasi ang pang-iinis niya araw-araw tapos yung lakas maka-powertrip na pagngisi niya at ang pinakamalupit sa lahat ay ang walang kamatayang malicious thinking niya.
Hayss...nakakamiss.
"Lucy!"Nabigla ako nang sumulpot sa harap ko si Cess na mukhang masayang-masaya.
"Bakit?"Walang ganang tanong ko sa kanya.Napansin niya agad iyon at napatabi sa akin.
"Napapansin kong these past few days eh nagmumukmok ka sa tabi o di kaya eh nakatingin sa kawalan.May problema ka ba?"
Nabigla ako sa sinabi niya kaya napatingin ako sa kanya."Really?"
"Ay hindi, Lucy."Napayuko na lang ako tapos napaub-ob sa desk agad.Ewan basta biglang nawalan na ko ng lakas, kumain naman ako kanina.
"Uy Lucy,Kausapin mo 'ko."Dinedma ko na lang siya.Wala akong ganang makipag-usap sa kahit kanino, nawalan talaga ako ng gana.
Nagpatuloy ang klase sa ganitong kondisyon hanggang sa mag-uwian pati sa bahay.Sana hindi mahalata ni Jun ito.
"Ate,okay ka lang po ba?"
"H-Ha?"
"Yung niluluto mo masususunog na."Napatayo ako agad sa kinauupuan ko at nagpapanic na tumakbo papuntang kusina."Ano ba kasi ang iniisip mo?"
Dahil sa kapabayaan ko, nasunog ang niluluto kong pritong manok.Sayang.
"H-ha?"Busing-busy ako sa paghahanda uli ng manok na lulutuin at nang ipiprito ko na yung manok kaso pinigilan ako.
"Ako na diyan.Magpahinga ka na."
"H-ha?"May himala pala at bumait si Tito sa akin.
"Bingi lang?Sabi nang ako na."Siya na ang nagluto ng hapunan namin habang ako ay kasama ni Jun na nanonood ng balita.
Tumabi sa akin si Jun."Ate, Ma problema ka po ba?"
"Wala."
Hindi naniwala si Jun sa sagot ko kaya tinanong niya ako ulit mata sa mata.
"Sure po ba kayo?"
Hindi ako nakatingin sa kanya."O-oo naman.Mukha ba akong may problema, ayos kaya ako."Mahirap magsinungaling kay Jun pag eye-to-eye contact na kami.Pasensya na Jun, hindi ko pwedeng sabihin sayo sa ngayon.
"Kakain na!"Pagkatawag ni Tito ay agad akong tumayo papuntang kusina para kumain.Nagugutom na kasi ako at para makalimot na rin pansamantala sa problema ko.Maraming kanin ang kinuha ko tapos tatlong chicken wings ang kinuha ko.Nagtataka naman si Tito at si Jun sa kinikilos ko, ang lalaki ng subo ko tapos walang tigil pa.
"Lucy,Hinay-hinay lang."
"Baka kung mapaano ka diyan ah!"
"Mabulunan ka sana!"Nabulunan nga ako.Dahil ito sa sumpa ni Tito sa akin.
"Loko ka tito *cough* nabulunan tuloy ako.WaLA KA TALAGA MAGAWA SA BUHAY MO NOH!"Napatayo ako sa kinauupuan ko sa pagkainis.
BINABASA MO ANG
Living in next to Him(Completed)
Novela JuvenilNasira ang simple at payak na pamumuhay ni Lucy nang makilala ang misteryosong lalaki na si Vince bilang kapitbahay.Ayaw niya sa kanya dahil sa palagiang pambubwiset at pang-aasar sa kanya.Hindi nagtagal ay nakapalagayan na niya ito ng loob dahil sa...