Chapter 39
LUCY'S POV
Ang bilis naman ng panahon at December na.Parang kailan lang nung birthday ko with my biological mother tapos si Vince--- Nakakabaliw pala pag paulit-ulit na naalala ang mga nangyari dun.
"Problema mo Lucy?"Tinapik ako ni Cess nang mapansin niya ako.
"W-wala.”
"Weh?Ano nga sabihin mo na?Kilala kita."Err… Hindi ko pwede sabihin at baka tuksuhin lang niya ako idamay pa niya si Jem sa pangtitrip sa akin.
"Wala sabi eh ang kulit mo."
"Para kang sira diyan.”Napataas ang kilay ko.”Ayan ka na naman Lucy ah.”
"Ikaw nga tong sira sa ating dalawa eh.”
***
Sabay nag-bell at hudyat na ng recess so magkasama kami ni Cess pupunta sa Canteen.Pagkalabas namin sa room ay nakasalubong ko si Jester
"Good day Ms.ex-president."Wala akong oras makipagtalo sa kanya or anything.Hindi maganda ang araw ko ngayon.
"Pwedeng Lucy na lang para hindi mahaba,nakakahiya naman sayo."
"Woah!"
"Problema mo?"
"May nagbago sayo.What happen?"Nasurpresa siya na para bang may magic na nangyari ngayon-ngayon lang.
“Pwede bang umalis ka na diyan,nagugutom na ko eh.Mamaya na lang."
Dinaan lang namin sila.Pagkalagpas sa kanila ay kinalabit ako ni Cess.
"Improving."
"Ha?"
"Wala.Hindi ka na masyadong masungit."
"Tigilan mo nga ako.Nagugutom na kasi ako kaya ako ganun."
"Wag ka nang kumain para hindi ka masungit."
"Kailan ka pa naging ganyan Cess?"
Nagblush siya bigla.Naku,may inspiration na siguro 'to.
"Sino?" tanong ko.Tinakpan ng dalawang kamay niya ang nagbublush niyang mukha.
"W-wala noh."
"Sinong niloko mo ah?Ako?"Natatawa ako sa kanya.Wala daw pero meron naman talaga.Kilala ko yan pa may inspiration kaya lang madalas nauudlot eh.
"Tumatawa ka Lucy?"
"Hahaha--Bakit?"
Tumawa siya.
"Problema mo?"
"Tumawa ka kasi."
"Problema?"
"Katakot ka kasi eh.It's been a long time nung huling ngumiti ka."
Natahimik ako.Gaano na nga ba katagal?I can't remember.
"Bumabalik ka na sa dati Lucy.Good for you.Ipagpatuloy mo lang yan."
"Bahala ka sa buhay mo.Gutom na ko."Nagsungit ako pero ngumiti lang siya.
BINABASA MO ANG
Living in next to Him(Completed)
Teen FictionNasira ang simple at payak na pamumuhay ni Lucy nang makilala ang misteryosong lalaki na si Vince bilang kapitbahay.Ayaw niya sa kanya dahil sa palagiang pambubwiset at pang-aasar sa kanya.Hindi nagtagal ay nakapalagayan na niya ito ng loob dahil sa...