Chapter 45
LUCY'S POV
Ilang gabi na akong hindi makatulog matapos ang date namin ni Vince.Pumasok ng kwarto ko si Tito na walang paalam.Bastos talaga kahit kailan
"Pamangkin,Bili tayo ng mga paputok!" Excited siya talaga pag may importanteng event katulad ng New Year.
"Matutulog ako."Nagtaklob ng kumot sa sarili ko.Si tito naman inalis agad kaya napabangon ako.
"Bwiset!Bwiset!Bwiset!"Pinaghahampas ko ng unan si Tito para mailabas ang inis ko kay Vince.
"Oy!bakit---problema mo---sobra ka na!”
Matapos ay napigilan ko na ang sarili at lumabas ng kwarto.Humiga ako sa sofa at pinagdiskitahan ko ang mga throw pillow na pinagpapalo sa ulo ko.
Sabi nila lagi mong kaaway ang iyong sarili.
Nagre-rewind sa isip ko ang lahat ng nangyari sa amin na parang plaka.Iuntog ko na lang ulo ko sa pader ko at nang magka-amnesia.Nagpatuloy ang pambabagabag ng December 25 incident sa New year’s eve.
Masaya ang bagong taon dito dahil sa mga walang katapusang putukan ng mga kapitbahay.Nakikilibreng ingay kami dito tapos ang inaabangan na Fireworks display pagsapit ng 12 na nagtatagal ng two hours nonstop.
Sayang at hindi kasama si Jun.
Ilang oras bago ang new year ay nasa rooftop, kasalukuyang nagpa-party party dito. Kumpleto ang lahat ng nakatira sa complex para samka-sama naming i-celebrate ang bagong taon.
Hindi ko gets ang mga adults, Party muna bago mag-dinner.
Ang akward ng atmosphere namin ni Vince na ka-table pa namin.Ako lang ata ang naa-akward sa aming dalawa.Parehas kami na pinapanood ang mga matatanda na sumasayaw sa dance floor.
"Vince,kumain na kaya muna tayo." Yaya ko sa kanya.
Sabay kaming tumayo ay pumunta sa may food station para kumuha.Habang kumukuha ako, hindi ko maiwasan na tumingin sa kanya at sa mga pagkaing kinukuha niya.Hindi siya masyadong mahilig sa gulay,naku baka maging sakitin ito.
I-recommend ko kayang kumain siya ng gulay?
"Lucy."Wag na lang siguro, baka kasi asarin lang ako nito.Lumalakas na naman ang pintig ng puso ko.Sana naman magsitigil na kayo, para nang awa niyo na.
"Lucy?”Inilapit niya ang kamay nito sa mukha ko saka nag-wave.
"Are you okay?"
"Ah!"Back to reality.
"Hindi ka kasi kumikilos diyan.Kukuha lang ako ng pancit."Sabay turo sa pancit na katapat ko.Ayan kasi, kasalanan ng utak ko ito.
“Sorry.”Kumuha ako ng lumpia na katabi ng pancit tapos balik sa table para kumain.
“Bakit hindi ka kumuha ng mixed vegetables?”Tanong ko sa kanya.napansin ko na kakaunti lang ang kinuha niyang pagkain.Wala ba siyang gana ngayon?
“May problema ba dun?”
“Aba meron siyempre.Masustansya ang mga yun saka pampalakas ng katawan.Hindi ba tinuro sa eskwelahan niyo yun.”Pinangaralan ko siya na parang teacher.Hindi ko maiwasang mag-aalala sa kanya, dahil sa kumakain siya ng fastfood na hindi maganda sa kalusugan.
BINABASA MO ANG
Living in next to Him(Completed)
Genç KurguNasira ang simple at payak na pamumuhay ni Lucy nang makilala ang misteryosong lalaki na si Vince bilang kapitbahay.Ayaw niya sa kanya dahil sa palagiang pambubwiset at pang-aasar sa kanya.Hindi nagtagal ay nakapalagayan na niya ito ng loob dahil sa...