Chapter 43

1.5K 38 4
                                    

Chapter 43

LUCY'S POV

"W-What the--?!" Muntik na kong mahulog dito sa kama.Kahit kailan talaga, sinasama niya ako sa mga kalokohan niya.

"Sige na please." Nakaluhod siya sa akin,nagmamakaawa with matching paawa effect pa.

"Kailan mo ba ako mae-except sa mga kalokohan mo tito?!"Galit kong tanong sa kanya.

"Please.Please.Please."Hindi ko siya kinibo.

"Ikaw na lang ang pag-asa ko Lucy."

"Bakit ako?Lovelife mo yan.WALA AKONG PAKE!"

"PLEASE."Nakanguso na siya ngayon.

"Ayoko.Ayoko.Ayoko."

Pagmamatigas ko sa kanya.Hinding-hindi ako sasama sa kanya kahit pa na Tito ko siya.

“Gagawin ko ang lahat basta pumayag ka lang.Please.Please.Please."Nagmamakaawa na to sa akin.Mukhang desperadong isama ako, ayokong sumama at mas gusto ko pang mamahinga sa bahay.

“Sa iba na lang!”Inis kong sabi.

“Ikaw na lang talaga ang pag-asa ko!”

"Sa mga kaibigan mo na lang pwede?" Tatanggihan ko talaga siya.

"Kapag pumayag ka,ibibili kita nung malaking kerokeroppi na nakita mo noon sa mall.”Napatingin ako sa kanya.

“Ano,okay ba sayo yun?"Nagpantig ang tenga ko.Yung pinakamalaking kerokeroppi ang bibilhin niya kapalit ng pakikipagdouble date? 

Teka,bini-bribe niya ako.

Hindi.Hindi.Hindi.

"Sige.Deal."

"Wow salamat Lucy!"Niyakap niya ako at pinaghahalik sa pisngi ko.Tinulak ko siya nang bahagya para makahinga naman ako.Papatayin pa ata ko nito bago pa kami makipag-double date.

***

"Teka lang parang may mali."Sabi ko.

Nasa isang malaking Amusement Park kami ngayon.Alas tres na ng hapon pero malamig pa din ang simoy ng hangin.Nakaupo kami sa bench malapit sa entrance.

"Ano naman yun Lucy?"Tanong ni Tito na bihis na bihis, pinaghandaan talaga.Tumingin ako sa kanya na may pag-aalinlangan.

May mali talaga dito.

"Bakit kasama siya?"Sabay turo sa may kanan ko.May iba nga kaming kasama at walang iba kundi siya at siya lang. 

"Bakit naman?Okay naman sa kanya eh."Tumingin ako kay Vince at nagthumbs up siya sa akin.Naka-jacket siya at jeans.

"See."

"Bahala kayo.Nasan na ba yan ide-date mo ha?"Naka-cross ang arms ko at nagadekwatro pa.Bakas na bakas sa mukha ko ang pagkabanas sa dalawang to.Pakiramdam ko kasi para akong nagbabantay ng dalawang bata dito.

"She's here."Tumayo siya at kumaway-kaway.Sinundan ko ang direksyon kung saan siya nakatingin.Medyo nakikita ko na siya.

Payat.Mahaba ang buhok.Maputi.Matangkad.

Living in next to Him(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon