Ipinaliwanag sa'kin ng magaling kong kapatid na gumawa siya a year ago ng isang facebook account na nakapangalan sa'kin. Grabe, ang savage ng kapatid ko. Siya mismo ang poser ko. Hooo. Ang sarap talagang sabunutan ng batang 'to. Ayun nga, dahil private ang real facebook account ko at sa totoo lang, tatlo lang ang friends ko do'n, si Syd, si Daniella at si Edith na roommate ko sa dorm na isa ring scholar, gumawa ang nagmamagaling kong kapatid ng isa ko pang account. Take note, araw-araw siyang nag-aupdate do'n. Kung iche-check mo, mapapaisip ka talagang akin nga ang account na 'yon. Yong original na facebook ko kasi, Gab Bi ang ginawa kong pangalan para talaga hindi mahanap. As if may stalker.
"Akin na nga 'yan!" Naiinis na asik ko sabay hablot ng phone mula kay Daniella.
Si Uno nga ang nagmessage. Ano'ng trip nitong gago sa buhay at sinend niya sa kapatid ko ang picture na 'yon? Hoy Gabbi, alam ba niyang si Daniella ang kachat niya? Tsk.
Nanginginig ang kamay kong binasa mula simula ang conversation ni Uno at ng kapatid ko.
Uno: I'll fetch you before 7.
Gabriella: Excuse me?
Uno: My parents will kill me if I can't bring my girlfriend to this family dinner. Tsk.
Gabriella: I am so not your girlfriend.
Uno: Gabriella Lacsamana, don't annoy me.
Hindi ni-replyan ni Danni kasi daw ini-stalk niya ang profile ni Uno tapos tumawag pa ako. Pagkatapos daw ng tawag kanina, hindi nadaw ulit siya nag-online dahil naubos ang data niya at kailangan niya ring magcharge. Ngayon lang niya ulit in-open kasi may nagpasa daw sa kanya ng load tapos dumating pa ako.
Uno: Gab?
Is this what you want?
I'll post this if you won't reply to me right now!
*photo of us kissing*
Gab?
Nakakaasar din na Uno na 'yon! Parang timang e. Hindi lang mareplyan, nananakot na? Ganyan siguro kapag spoiled, kapag sanay na nakukuha at nasusunod lagi ang gusto.
"Ate Gab, may bagong message o. Galing sa kanya." Hirit ni Danni na nakasilip sa phone na hawak ko.
Uno: Gab?
Magtataype pa sana ako ng sagot pero ang gago, nagsend ulit ng bagong message.
Uno: You're annoying. I'll just tell mom that you're dead.
Gabriella: Mabuti pa. Wag ka na ulit magchat dito! Iba-block kita.
Uno: As if gusto kitang ka-chat.
Gabriella: Hoy asungot! Idelete mo 'yong picture!
Uno: See you later, girlfriend.
Sige. Bahala siya sa buhay niya. Wala naman ako do'n sa dormitory kaya wala siyang masusundo. Hindi ko na siya nireplyan dahil maiinis lang ako. Hiningi ko kay Daniella ang account details at agad kong binago ang password, pati narin sa gmail account na connected nito. Nagmaktol pa ang sira dahil siya daw ang may-ari ng account. Sa huli, napaamin ko siya sa iba pa niyang kalokohan. Kaya pala dumalaw dito sa'min 'yong anak ng dating mayor ay dahil rin sa pagrereply niya sa chat nito. Timang talaga e. Binebenta yata ako!
BINABASA MO ANG
TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfiction[The Palmer Brothers: UNO] I was just heartbroken one night. In the morning when I woke up, I was naked. Then, my world ended.