Dahil ayaw niya akong pakawalan, pinuno ko ng suntok ang balikat niya.
"Wala kang karapatang sabihin 'yan! Hindi mo alam kung paano magmahal Uno! Wala kang alam sa pagmamahal! Hindi ikaw ang pinangakuan para lang pakawalan! Hindi ikaw ang naghintay ng matagal para sa taong hindi mapapagod na piliin kang masaktan. Hindi ikaw ang taong hindi ipinaglaban Uno. Hindi ka nagmahal! Hindi ka marunong magmahal!" I cried out eventually.
Uno loosened his grip of me. Akala ko ay papakawalan na niya ako. But he didn't. He kissed me instead. And I can only cry of how heart-breaking it was to me. I wanted it but I know he did it to shut me up.
"Gabriella... I'm sorry. I'm sorry if my way of loving you is hurting you. Sana alam mo na... ang hirap mong pakawalan. Ang hirap mong kalimutan. But it's all worth it. Kasi maayos ang buhay mo ngayon. Masaya si Daniella, masaya si tatay—"
"Paano naman ako? Masaya ba ako, Uno? Ito ba ang mukha ng taong masaya?"
"Gab, I think... Kailangan na nating tanggapin ang totoo. Hindi ako ang para sa'yo."
Para akong sinampal ng ilang beses sa sinabi niya. I held my breath at that to stop myself from sobbing.
"Kalimutan mo na ako. Kamuhian mo nalang ako. 'Wag mo na akong mahalin, Gabriella."
I smiled bitterly at his request.
"Hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal mo. Wala akong karapatang makasama ka matapos ang lahat ng kagaguhan ko." He even added. Ang sakit na masyado kaya tinanguan ko siya.
"Mabuti ka pa. Nakikita mo 'yan. Kailan ko kaya maiintindihan 'yan Uno? Bakit ba? Hinintay kita ng sampung taon! Gusto kong hanapin mo 'ko. Nangangarap ako na sana ipaglaban mo din ako gaya ng minsan kong ginawa para sa'yo. Sabi ko naman sa'yo diba? Pipiliin kita sa kahit na ano at sino. I will always choose you even if you're not giving me that option. Isang pagkakataon na lang Uno, piliin mo naman ako. Make me stay. Come back to me."
"Makakalimutan mo rin ako Gabriella." Sagot niyang nagpatigil sa pagtibok ng puso ko.
Nilakasan ko ang loob ko. Walang lingon-likod na naglakad ako papalayo habang walang tigil ang pagbuhos ng aking luha.
Ito na ang huli, Uno. Ito na ang huling luluha ako para sa'yo.
"Ate, pwede bang 'wag ka nalang bumalik?"Umiiyak na tanong ni Daniella sa araw ng flight ko. "Ate, hindi ko kayang makita si Donny na kasama ka. Kahit ikakasaya mo pa ate Gab, hindi ko talaga maatim na tanggapin siya sa buhay natin."
"Hindi ako babalik ng Amerika para sa kanya, Daniella."
"Hindi? E ano ate? Ano ang dahilan? Akala mo ba masaya kami sa marangyang buhay na binibigay mo sa'min ni tatay? Mas gusto ko 'yong buhay na meron tayo noon ate Gabbi. Buhay na kahit mahirap basta magkasama tayo. 'Wag ka nalang umalis, please." Sinubukan kong punasan ang luha niya pero umiwas siya. "Sabihin mong hindi ka na aalis."
"Sorry Danni. Sorry kung nagsinungaling ako ha? Hindi parin pala kasi ako kasing tatag mo. Nagsinungaling ako nang sabihin kong kaya ko. Akala ko kaya ko e. Pero nasasaktan parin ako. Ang sakit parin. I'm sorry. " Pag-amin ko saka humagulhol. "Sorry. Alagaan mo lagi si tatay."
"Makasarili ka ate Gab." Sabi niya't tumakbo palabas ng kwarto ko. Habang napapayakap ako sa sarili ko, pumasok si Sydney.
"Tama ang kapatid mo Gabbi. Bakit ka ba aalis? Nandito ang pamilya mo! Si Uno na naman ba? Mahal ka no'ng tao. Pakinggan mo naman siya. Sinabi na ni tatay di ba? Sila ang dahilan kung bakit lumayo si Uno. Bigyan mo naman ng pagkakataon 'yong tao. Wag mong patigangin ang puso mo Gabriella."
BINABASA MO ANG
TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfiction[The Palmer Brothers: UNO] I was just heartbroken one night. In the morning when I woke up, I was naked. Then, my world ended.