18. Flirtations

6.2K 146 46
                                    

Sinulit ko na ang last week na makakasama ko si Sydney for the year. Tradition na kasi ng pamilya nila ang lumabas ng bansa kapag christmas vacation.

"The face of a winner. That's the face you're wearing, Gabriella Lacsamana. Happy sa lovelife? Nadidiligan ba ng maayos ni Uno ang puso mo?"

"Yuck ka Madellaine! Mga linyahan mo, ang awkward pakinggan." Bara ko sa kanya.

She laughed. "Wag ka ngang KJ. I'm happy today so please don't spoil it crazy woman in love."

"Bakit ka masaya? May hindi ba ako nalalaman?" Usisa ko out of curiosity. Biglang sumagi si Tres sa isip ko. Hindi naman siguro si Tres ano?

"Naalala mo 'yong ikinuwento ko sa'yong childhood sweetheart ko?"

"Si Flickr? Akala ko imaginary friend mo lang 'yon. Haha." Pang-aasar ko.

"What? Gab, I'm serious. He is no longer the cute guy in my childhood. Kagabi kasi, I chatted with my cousin, Everett. Nagulat ako nang makitang may hot guy na dumaan sa likuran niya. I asked him who the guy is. It's Flick! Naaalala pa kaya ako no'n?" She said dreamily.  Nakangiti pa siya sa kawalan. Geez. Sana hindi pa tinamaan ng lintek si Tres dahil wala akong maitutulong sa kanya pag nagkataon.

"Who's Flick?"

Woops. I just thought of Tres a few seconds ago and here he is.

"Pangalan palang pangit na. Netflick! Papaasahin ka lang niyan Maddy."

Woops ulit. May nickname kay Syd. Take note, ayaw ng bestfriend ko ang tinatawag na Maddy o Madellaine o Laine. Gusto niya Sydney para daw nareremind siya sa Australia. Seryoso po 'yan. Sinabi niya sa'kin 'yan noong first year high school pa kami.

"Who's Maddy?" Pagtataray ni Sydney na nagpahagikhik sa'kin ng palihim.

"Ang reyna sa palasyo ni Tres. Boom! Three points for Tres!" Pagtataas niya ng sarili niya. Go brother, I'll support you here, mentally. Haha.

"Baliw. Umalis ka dito!"

"Sa'yo ang lupang inaapakan ko Madellaine? Sa'yo ba ang paaralan na 'to? Sa pagkakaalala ko, puso ko lang ang sa'yo." Tinakpan ko ng kamay ang bibig dahil gustong gusto ko ng humagalpak sa tawa. Idagdag mo pa ang mukha ni Sydney na sirang-sira na. "Another three for Tres!"

"Ang daming points a!" Hirit ko na bago siya maitaboy ng tuluyan ni Sydney. "May kalaban ka ba, kapatid?"

"Yon na nga. Wala na nga akong kalaban pero hindi parin ako nananalo."Sagot niyang umakto pang nasasaktan.

"Palmer, tigilan mo na ako. Hindi ka nakakatawa." Saway ng masungit kong amiga.

"Alam ko naman 'yan Maddy. Hindi ako nakakatawa. Kasi kaming mga Palmer, nakakainlove kami."

"Ugh! Ewan ko sa'yo! Diyan ka na nga!"

"Wag mo 'kong masyadong isipin Maddy, baka madapa ako sa kakatakbo sa isip mo. Masugatan pa ako." Pahabol ni Tres. Damn. Iniwan na pala ako. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at nakipag high-five kay Tres.

"Good job. Three pointer ka pala e. Ba't hindi ka nagbabasketball?"

"Ibang basketball ang nilalaro ko Gabbi."

"Ugh! Yuck Tres. Ewan ko sa'yo. Diyan ka na nga." Tumawa lang ang timang.

"Gabbi, pakitulak nga 'yang kaibigan mo at nang mahulog sa'kin!"

Hahaha. Buwiset na Tres 'yon. Ang kulit. Dahil kay Tres, may pang-asar na ako sa pikon kong bestfriend.

"Ba't ba ayaw mo kay Tres ha? Ikaw na ang nagsabi, hot ang Palmer brothers—"

TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon