Dahil ginigiit nitong protective na si Uno, papunta kami ngayong tatlo sa boulevard. Kahit ang lapit lapit lang e nagkotse pa talaga kami. Atat lang makita ang mga kapatid niya? Haha.
"Ate Gabbi!" Tawag ni Six sabay yakap sa'kin. Oh. It's his defense mechanism. Hindi niya pinansin ang kapatid niya. "Ang ganda dito sa lugar niyo ate. Gusto kong tumira dito."
Napakamot naman ng ulo si Seven na nakatingin sa kuya niyang walang kangiti-ngiti. Sinenyasan ko si Uno na 'wag magsungit. He just smirked at me while throwing a glare at his brother who's clinging to me.
"May kasama pala kayo." Saad ko patungkol kay Anastacia para matigil sa pang-iintimidate si Uno sa mga kapatid niya.
"Ah. Oo nga pala. Ana, si ate Gabbi, girlfriend ni kuya Uno."Pagpapakilala ni Seven. "At si Daniella, 'yong kinukwento namin ni Six sa'yo?"
"Hi." Bati ng dalagita. Magkamukha nga talaga sila ni Danni. Medyo maarte lang manamit itong si Anastacia. Well, her status in life explains it all.
Ngumiti ako kay Anastacia, gano'n din si Danni. Pero alam kong peke 'yong ngiti niya. Ayaw nga niya kasing kinukumpara. Hahaha.
"Alam mo kuya, pauwi na talaga kami." Pagbabasag ni Six ng katahimikan. "Dumaan lang kami dito sa boulevard para ipakita kay Ana ang lugar."
"Really? Why won't you come with me and your ate Gabbi to their house?" Nakangising offer ni Uno. I don't have idea what's running in his head. Tumingin si Six kay Seven na para bang humihingi ng tulong.
"Kuya Uno, Ana's mom just called so we should probably head home." Wika ni Seven.
"I see. Well, you two can wait in the car. Let me just talk to Six for just a minute."Uno replied to his brother. Walang nagawa si Seven kundi mauna sa kotse. "Six, why do you want to see Daniella?"
"We're friends."
"You want to see your friend?"
"Yup. Masama ba 'yon kuya?"
"Oo. Kasi hindi mo pwedeng maging kaibigan si Daniella." Walang pagdadalawang-isip na sinabi ni Uno sa kanyang kapatid.
"Kuya!" Sabay na tutol ni Danni at Six.
"Kung gusto mong makita si Daniella, maglakas loob kang magpakita sa pamilya niya. Tsk."He went on with his rant. "Go home."
"Bye Danni, ate Gab." Umalis si Six nang hindi nagpaalam sa kuya niyang parang ewan. Napatampal nalang ako ng noo matapos makalayo si Six. Naghigh-five pa si Uno at Daniella. Para sa'n 'yon?
"Ang sama niyong dalawa." Sabi ko't iniwan sila. I sent a message to Six and Seven on the way back to the house.
Don't mind your brother. You're always welcome to visit anytime. Take care on the way home, lil bros.
Gusto lang makipagkaibigan e. Pinagtitripan pa ng dalawa. Pag-umpugin ko kaya 'to? Hay naku. Kaya nagkakasundo e. Pereho ng kulo ang mga dugo. Nang makabalik kami sa bahay, nakauwi na sina Bowie at Clinkz kaya kay tatay ako nakipagkwentuhan. Nakakaasar lang dahil nakatulog si tatay ilang minuto lang ang lumipas. Malamang pagod talaga 'to. Kakauwi lang di ba?
"Gabriella." Pabulong na tawag ni Uno. Hindi ko siya pinansin. Kumuha ako ng walis para maglinis, para maiwasan siya. "Ayaw mo 'kong pansinin a." Narinig kong sambit niya.
Bago pa ako makapaghanda, binuhat niya nalang ako papasok ng kwarto. Hindi naman ako makasigaw dahil baka magising si tatay. Sinara ng mokong ang pinto.
"Ano'ng ginagawa mo?" Sita ko sa kanya.
"Ikaw? Ano'ng ginagawa mo?" Inilapit ni Uno ang mukha niya kaya kinabahan ako.
BINABASA MO ANG
TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfic[The Palmer Brothers: UNO] I was just heartbroken one night. In the morning when I woke up, I was naked. Then, my world ended.