19. Morning

5.7K 141 19
                                    

Plano namin ni Uno na manood ng movie after dinner. Eh ang nangyari, hindi kami magkasundo sa kung ano ang papanoorin namin. Nakakainis nga e. Gusto kong manood kasi namimiss ko si tatay. Kaya ngayon, nagkulong nalang kami sa kwarto na may kanya-kanyang pinagkaabalahan. Naglalaro siya ng video game habang gumagawa ako ng assignment.

"Matagal ka pa, Gab?" Tanong niya mayamaya. Nabo-bored na siguro 'to. Buti nga sa kanya. Maglaro ka diyan.

"Inaantok ka na?"

"Oo e. Gusto ko ng matulog."

Lokohin mo lelang mo Uno. Ang aga pa. Lagpas 8 palang. Tsk.

"Sa sala ko nalang to tatapusin para makatulog kana." Lihim akong ngumisi matapos siyang sagutin.

"Sabay na tayong matulog, Gabriella."

Niligpit ko ang mga gamit ko at sinilip siya na naglalaro parin. Inaantok daw e tutok na tutok ang mga mata sa monitor.

"Gab! Why didn't you tell me you're done?" Reklamo niya nang makita akong nakadapa sa kama at naglalaro sa phone niya. "Ba't ayaw mo 'kong pansinin?"

"Ginulo ba kita ng maglaro ka?" Sumbat ko sa kanya.

"Hala. Baby Gabbi, sorry. Akala ko kasi busy ka e." Hinawi niya ang buhok kong tumatabing sa mukha ko. "Pansinin mo na ako. Sorry. I didn't know you like to cuddle with me."

Ugh. Kayabangan, lubayan mo si Uno. I turned off the screen of his phone to face him. Nakahiga siya ngunit nakasandal ang balikat sa pinagpatong-patong na unan. Humiga ako sa dibdib niya.

"Bakit mo 'ko mahal, Uno?" Wala sa sariling itinanong ko. Gumalaw si Uno para ipulupot ang mga kamay niya sa bewang ko.

"Kailangan ba ng dahilan? In my case, I felt like I had no choice. Ginayuma mo 'ko diba?" Siniko ko siya nang sumagot siya ng gano'n. Binalot kami ng katahimikan sa loob ng ilang segundo. Hinahalikan niya ako sa ulo.

"Uno?" Pangungulit ko. Gusto kong malaman ang sagot sa tanong ko.

"I did not choose to love you, Gabriella. My heart did and when it chose you, it didn't look for any reason. But now that I am in love with you, I will choose to continue loving you." Hinagkan niya ang ulo ko ng paulit-ulit. Minsan napapikit ako sa sayang nararamdaman ko dala ng pagiging affectionate niya.

"Ano kaya ang makakapagpahiwalay sa'tin Uno?"

"I'm sure, I won't be the reason."

Ngumisi ako. "Bakit ka naman siguradong-sigurado? Ang dami-dami mong babae noon, paano kung may magbalik sa kanila at mahulog ka ulit?"

Hinawakan niya ang baba ko para iangat ang mukha ko sa kanya. He smiled so attractively that I can feel my heart in my ears. Then, he leaned down ko kiss my nose.

"Gabriella, I've never loved anyone. Ikaw lang." Sinimangutan ko siya kasi alam kong maraming babae ang dumaan sa buhay niya. "Gab, marami akong babae noon pero wala akong naging girlfriend sa kanila. We just..." Hindi niya magawang bigkasin ang salita habang nakatitig ako sa kanya. "It was all just us being fools."

So, he just had sex with girls before... Is that what we're just supposed to be too? Am I supposed to become just one of his girls?

"Uno... May naalala ka ba sa nangyari sa'tin?"

"Gab—"

"Gusto kong malaman, Uno." Bumangon ako at naupo ng maayos naghihintay akong magsalita siya pero naghintay lang ako sa wala. "Gusto kong malaman kung bakit nangyari sa'tin 'yon. Nilandi ba kita? Naghubad ba ako sa harap mo dala ng kalasingan? Uno—"

TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon