Dedicating this chapter to all my sisters! Sisters by blood and by wattpad! Hahaha ♥ Kayong mga babaeng nagbabasa nito, ampunin niyo 'ko please! Hahahaha
~
Nasa kwarto kami ngayon ni Daniella. Himala, hindi nagpe-facebook ang babaita. Bumabalik ang gana sa pagguhit. Bukas pa uuwi si tatay kasi bumalik na siya sa pangingisda. Bukas pa dadating ang fishing vessel ng kompanya. Kapag wala si tatay, ang kapit-bahay namin na malapit kay nanay ang sumasama kay Danni, si Ante Cecil. Pagdating ko nga kahapon ay siya ang kasama ni Danni.
"Daniella? Sino ba 'yang ginuguhit mo?" Usisa ko nang naging tahimik siya. Hindi uso sa kanya ang katahimikan kaya. Kaaway na malupit niya 'yan. Haha.
"May nagpapaguhit e. Babayaran niya."
"Wow. Suma-side line?"
"Oo kasi pasko na. Ibibili ko ng regalo si tatay at Kuya Uno." Sinamaan ko siya ng tingin nang banggitin niya si Uno pero ako hindi.
"Hoy, si Uno ba ang kapatid mo?"
"Sana siya nalang." Pang-aasar niya pa.
"Ah gano'n! Wala kang kakainin mamaya."
"Okay lang. Diet naman ako."
Pasaway talaga 'to kahit kailan. Napakakulit! Sinilip ko kung sino ang ginuhit niya. Teka? Seryoso?
"Si Anastacia 'yan a?"
"Kilala mo siya ate Gab?"
"Oo. Schoolmates kami. Tsaka, crush 'yan ni Seven."
"Sabi nga niya. Siya kaya ang nagpaguhit nito."Nakangising tugon niya.
"Danni? Lagi parin kayong nagcha-chat ni Seven? Lagot ka sa kuya Uno mo. Ayaw niya kayang maging magkaibigan kayo."
"Oo nga e. Kapag nagcha-chat kami ni Kuya, lagi niya 'yang pinapaalala. Kesyo ganyan, ganito si Seven. Paki ko naman sa kanya kung babaero siya, hindi ko naman jo-jowain." She explained in a funny way, yet sounding so mature. Hindi na talaga ang baby Dandan namin. "Pero hindi na kami nagcha-chat. Pumupunta kaya 'yon dito."
"Ano?"
"Oo. Pero hindi pa siya nakapunta ng bahay. Hanggang sa boulevard lang."
"Nagkikita kayo?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Oo nga. Ba't ka ba nagtatanong ng obvious?" Pagtataray ni Daniella na nagpanganga sa'kin ng literal. "Ano ba'ng masama kung makipagkaibigan do'n. Nakakatuwa kaya siyang asarin. Mga gano'ng tipo 'yong gusto ko e—"
"Gusto?"
Inirapan niya ako. "Gustong maging kaibigan. Gusto ko 'yong nabu-bully ko!" Paglilinaw niya saka humagalpak sa tawa. "Ops ate, huwag mo daw banggitin kay kuya Uno na pumupunta si Seven dito. Pero it's up to you. Wala naman akong paki kung pagalitan ni kuya 'yon."
"Ang harsh mo, Daniella ano? Alam mo bang ang sweet na bata niyang si Seven?"
Umakto siyang nasusuka.
"Sweet? Bitter kamu ate? Si Six, 'yon 'yong masaya kausap. Kahit ano-ano ang sinasabi. Grabe ate, hindi nauubusan ng sasabihin." Tuwang-tuwa na kwento niya. Ako naman, natameme dahil sa sobrang gulat. Seriously? Nagkikita silang tatlo? Dinadalaw nilang dalawa ang kapatid ko? "Ate Gab, kung iguguhit ko si Kuya Uno, sa tingin mo magugustuhan niya?"
"Naku Daniella, kahit bato pa siguro ang ibigay mo do'n, magugustuhan no'n. Ewan ko nga bakit kung makaasta kayo, kayo 'yong magkapatid at ako ang sampid. Tss."
BINABASA MO ANG
TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfic[The Palmer Brothers: UNO] I was just heartbroken one night. In the morning when I woke up, I was naked. Then, my world ended.