Daniella's Point of View:
Ilang linggo na si ate sa hospital pero hindi parin siya nagigising. Palagi namin siyang kinakausap ni ate Sydney para malaman niyang nandito pa kami, hinihintay siya. Isang umaga, narinig ko ang mahina at namamaos na boses ni ate Gabbi. Napabangon agad ako.
"Uno... Uno?"
"Tatay! Ate Syd! Gising na si ate!" Umiiyak na sigaw ko para gisingin sila.
Lumapit agad kaming lahat sa kanya. Nakatutok ang mga mata niya sa kisame, hilam sa luha ang mga 'yon. Ngumiti si ate Gabriella ng pinakamalungkot na ngiting nakita ko sa kanya, na minsan kong nakita nang mawala si nanay.
"Si Uno..."
"Ate..." Umiiyak na sambit ko sabay yakap sa kanya. "Ate Gab."
"Wala na siya. Alam ko. Ayaw na niya." Bulong niyang nagpaiyak sa'king lalo.
Sa mga sumunod na araw, nakatulala lang si ate Gab. Hindi na siya nagsalita pa ulit. Ayon sa doctor, dahil daw 'yon sa trauma.
"Gabbi. Magpagaling ka ha? Sasamahan kita Gab. Hindi kita iiwan sa lahat ng 'to. Hindi na ako kailanman magiging pabigat sa'yo. This time, Gabbi. It's on me. It's on me, Gabriella." Narinig kong sabi ni ate Sydney nang nakahawak sa kamay ni ate.
"Hayop sila, Syd. Hayop sila." Anas ni ate Gabbi na nakatitig sa pader, may galit na nakapinta sa mga mata. "Magbabayad sila. Magbabayad silang lahat."
"I'll make sure of that Gabbi. Kaya magpagaling ka na agad ha? Hinding-hindi kita iiwan."
Hindi binigo ni ate Sydney ang sinabi niya sa kapatid ko no'ng araw na 'yon. Ayaw sanang tanggapin ni tatay ang tulong na in-offer ni ate Syd pero iyon lang ang paraan para mailayo namin si ate Gab sa masamang alaala at nangyari sa nakaraan. Sumama si ate Sydney sa'min na umalis ng bansa matapos ang unang hearing ng kaso laban sa mga walang kaluluwang Jillian at Donny na 'yon.
Naging witness ako sa pagbabago ni ate Gabriella. Nawala ulit ang saya na makikita mo dapat sa mga mata niya. Bumalik ang malulungkot niyang mga mata gaya ng mawala si nanay. Pero mas malungkot ngayon. Kapag nga nag-uusap kami ay hindi ko siya matingnan sa mata dahil nalulunod ako sa kalungkutan na nananahanan sa mga mata niya.
"Babalik ako ng Pilipinas." Deklara niya isang araw. Isang taon na ang nakalipas mula ng umalis kami. "Pupunta ako sa Trial Hearing ng kaso. Babalik din ako agad."
Nagkatinginan kami ni ate Syd at ni tatay. Nagpatuloy kaming tatlo sa pag-aaral rito. Nakakuha ako ng arts scholarship na in-offer ng school. Scholar naman si ate Gabriella ng scholarship program ng kompanya ng mga magulang ni ate Sydney. Si tatay naman ay bumalik sa pagpipinta, nakita ng professors ko ang mga gawa niya na may-ari ng isang museum at ang direktor ng arts museum sa university.
"Sigurado ka ba anak?" Nangangambang tanong ni tatay kay ate. Ngumiti si ate sa kanya. Pero hindi 'yon ang ngiting matagal na naming gustong masilayan ulit sa labi niya.
"Okay lang tatay Pogs. Sasamahan ko si Gabriella."Boluntaryo agad ni Sydney. Gaya ng sinabi niya sa hospital ng araw na 'yon, sinuportahan ni ate Sydney lahat ng decision ng ate ko.
A night before her flight, pinanood ko si ate Gabriella na nakatayo sa veranda, nakatitig sa buwan. Ano kayang iniisip niya ngayon? Sumisikip ang puso ko. Nasasaktan parin ako sa lahat ng nangyari kasi alam kong hindi 'yon deserve ng ate ko.
"Danni? Kanina ka pa diyan?" Tanong niya nang malingunan niya akong nakatingin sa kanya.
"Bago lang ate." Ngumiti ako saka naglakad para lumapit sa kanya. Niyakap niya ako saka sabay naming tiningila ang bilog na buwan.
BINABASA MO ANG
TORTURING HER INNOCENCE °[KathNiel] ✓COMPLETE
Fanfic[The Palmer Brothers: UNO] I was just heartbroken one night. In the morning when I woke up, I was naked. Then, my world ended.